JDF, Bubusisiin sa Kamara

HIHIMAYIN NG Kamara ang Judicial Development Fund (JDF) ng hudikatura sa pagbabalik ng sesyon sa Enero 2014.

Ayon kay House committee on justice chairman at Iloilo Rep. Neil Tupas Jr., paiiralin nila rito ang kanilang “moto propio” power kaya hindi na kailangan pa ng resolusyon bago sila kumilos.

Mayroon na umanong mga kasapi ng justice committee ang humiling na silipin na ng kanilang lupon ang paggugol ng hudikatura sa JDF.

Inihayag ni Tupas na kailangan ng magkaroon ng accounting sa bilyun-bilyong JDF alinsunod sa idini-demand na accountability sa mga sangay ng pamahalaan.

Suportado din ng mambabatas ang posisyon ni House majority leader at Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II na kailangan nang rebisahin ang batas na lumikha ng JDF.

Nilinaw rin ni Tupas na hindi ito paghihiganti sa ginawang pagbasura ng Korte Suprema sa PDAF o pork barrel nilang mga mambabatas.

Ito ay paraan lamang umano para maibalik ang pagkakapantay-pantay ng tatlong sa-ngay ng pamahalaan matapos mag-overstep ang Supreme Court (SC) sa kapangyarihan nito nang hatulan ang PDAF.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.