JC Tiuseco, na-trauma kay Maxene Magalona

AFTER HIS RELATIONSHIP with Maxene Magalona, parang nawalan muna ng interes sa pagkakaroon ng panibagong lovelife si JC Tiuseco. Aniya nga, pakiramdam niya’y mas masarap umanong magtrabaho na single muna siya. Kung sabagay, do’n pa lang sa taping ng magazine show niyang X Life sa Q11, very tiring na dahil kung saan-saan siyang lugar nakararating. Medyo gumaan lang ang working schedule niya lately dahil natapos na ang taping nila para sa ending ng Langit Sa Piling Mo. But for sure, it won’t be long at may bago na naman siyang programang gagawin para sa GMA-7.

Kapag natatanong tungkol sa ex-girlfriend nga niyang si Maxene Magalona, umaasim ang ngiti ni JC. Parang ayaw na nga niyang mapag-usapan ang aktres kaya napangingiwi talaga siya kapag kinukulit na matanong tungkol dito. Dahil kaya hindi nga maganda ang naging paghihiwalay nila ng dalaga?

“Merong ganyan talaga?” natatawang reaksiyon ni JC.

Bakit nga ba takot na takot siyang matanong about Maxene? Na-trauma ba siya sa pakikipagrelasyon dito noon?

Walang masabi si JC. Pangiti-ngiti lang. Napapakamot ng ulo hanggang pinipisil na niya ang aming braso as his way of lambing na tumigil na kami sa pagtatanong tungkol kay Maxene.

“Move on na tayo,” aniya. “Basta sa ngayon, naka-focus lang talaga ako sa work. And ‘yon nga, I enjoy doing ‘yong show ko sa Q11 na kadalasan, napapasabak din ako sa iba’t ibang extreme sports na hindi ko pa nagagawa before. Parang ano— conquering your fears.”

Ano ba ang pinakanakakatakot na nagawa na niyang extreme sports and what was his greatest fear na na-overcome niya?

“Siguro ‘yong jumping off a cliff. May fear of heights ako. Pero may pagka-adrenalin junky rin, kasi ako kaya ‘yong mga jumping na gano’n, gustung-gusto ko.”

Ang hindi lang nga siguro niya ma-conquer na takot, ‘yong fear niyang mapag-usapan ang ex-gf ngang si Maxene. Dahil para nga siyang na-trauma talaga na ni halos hindi na gustong madinig man lang ang pangalan ng aktres.

Natawa si JC. Muling pinisil ang braso namin na ang ipinahihiwatig nga, we should refrain asking questions nga about Maxene.

Masyado sigurong naapektuhan si JC ng mga isyu dati na wala raw tigil ang bibig ni Maxene sa paninira at pagkakalat ng kung anu-anong hindi magagandang kuwento tungkol sa kanya. Na hindi naman siya puwedeng pumatol kasi babae nga ito.

Wala mang sabihin si JC, nababasa namin sa kanya na parang marami siyang kinikimkim na saloobin tungkol kay Maxene. Hindi lang talaga niya masabi-sabi.

So… hanggang kailan niya gugustuhing manatiling zero ang kanyang lovelife? Eh, ang daming babaeng pinapantasya siyang maging boyfriend o makarelasyon nga?

“Hindi ko alam, eh. Pero sa nararamdaman ko, siguro matatagalan talaga. Sa ngayon, mas more of friends muna ang hanap ko. Gusto ko ‘yong hanging out with friends muna at walang kung anuman. Mas masarap na maging single muna.”

Will he be willing to work with Maxene kahit parang na-trauma nga siya sa pakikipag-relasyon dito?

“Sa akin naman, basta work… kahit sino pa ang makasama ko. Siyempre kailangan professional ka, di ba? Kung anuman ‘yong ibigay na work sa ‘yo at kung sinuman ang kasama mo, kailangang maging professional ka.”

Ganyan?

AMINADO SI BUBOY Villar, talagang natakot siya nang maging kritikal ang kanyang kundisyon sa ICU nang tamaan siya ng dengue. At laking pasasalamat daw niya na naligtasan niya ito.

Panawagan nga niya sa mga kapwa-bata, lagi raw maglagay ng mosquito repellant lotion.  At sa mga magulang naman daw, ipa-check up na raw agad ang mga anak kapag may lagnat ang mga ito.

Bukod sa kanyang pamilya, nag-alala rin daw nang husto nga sa kalagayan niya si Marian Rivera na bukod sa pagdalaw sa kanya sa ospital ay nagbigay rin daw ng tulong pinansiyal sa kanya. Lalo umanong naramdaman ni Buboy na mahal nga siya nito bilang kaibigan.

Kung sabagay, malalim na nga ang pinagsamahan nila ni Marian na nagsimula nang magkasama sila sa Dyesebel at pagkatapos ay sa Darna. Kilalang-kilala na raw nila ang isa’t isa.

Kaya nga raw hindi maiwasan ni Buboy na maapektuhan din daw kapag may hindi magandang nasasabi about Marian.  Particularly ‘yong paratang na mataray daw ito, masama ang ugali, palaaway, malaki na ang ulo at kung anu-ano pa.

“Siyempre nasasaktan po ako dahil bukod sa kilala ko kung sino talaga siya, parang Ate ko na po siya, eh. At hindi naman talaga totoong masama ang ugali niya.

“Mataray siya minsan pero nasa lugar.  Kasi po, prangka lang siya talagang tao.  Sinasabi niya kung ano talaga ‘yong nasa isip niya o nasa loob niya. Hindi lang kasi siya kilala ng mga humuhusga sa kanya. Mabait po siya at masarap maging kaibigan kasi totoong tao po siya.”

Siguro nga, dapat kilalanin muna kung sino talaga si Marian as a person bago siya husgahan.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

10 thoughts on “JC Tiuseco, na-trauma kay Maxene Magalona

  1. echoserang frog. Kaya ka hiniwalayan ni maxene kasi bakla ka. Ayaw pang aminin na lalake din gusto nya lol na trauma kuno ang drama ng hitad

      • matagal ng blind item yan hanggang sa pinangalanan na. Last year sa isang event i think cosmo bachelor bash yun lumapit sya sa isang filam model humingi ng number. Nakaamoy si filam model kaya inisnub ang byuti ni jc lol

  2. maldita siya tlaga. feeling sikat at maganda. sa totoo lang di siya maganda, mukha siyang melon na hilaw. at ang katawan niya halatang laspag na laspag na lalo na pag tumataba siya. mahilig siyang mang-away. akala niya she belong to showbiz royalty. hoy melon, wala na ang tatay mo. wala ka nang ipagmamalaki. tumigil ka sa mga ilusyon mong maganda ka. sabi mo pa kay Solenn pareho kayong maganda. siya maganda ikaw hindi. tingin sa salamin ha.

    • Oo, hindi talaga ako nagandahan sa kanya, parang hambog, she’s full of air sometimes sa mga interview nya! Ang kanyang mother maganda ang mukha, maganda siyo yong mother nya noong araw, at tsaka maputi ang mother nya!

  3. yung mukha ni Maxene Magalona parang maldeta, even when she talks sa mga interview niya, talagang she looks like she is a strong-willed person.

Leave a Reply

Your email address will not be published.