JC SANTOS, NAG-SORRY SA GIRLFRIEND

Teetin Villanueva and JC Santos

AS A TRUE GENTLEMAN ay winakasan na ni JC Santos ang usap-usapan na ang kanyang stylist ang dahilan ng hiwalayan nila ng girlfriend na si Teetin Villanueva na isang theater actress.

Sa show ni Kuya Boy Abunda sa Kapamilya Network na Tonight with Boy Abunda, JC opened his heart sa isyung hiwalayan nila ng ex-GF.

Pinabulaan ni JC na ang stylist niya ang dahilan ng hiwalayan nila ni Teetin. 

Pagpapaliwanag ng aktor: “Ayaw ko kasing maging unfair sa kanya, kasi po, sobrang selfless yung pagmamahal ni Teetin para sa akin, sobra. Nagiging unfair ako sa kanya dahil nawawalan ako ng time.”

Sa ngayon cool muna ang aktor sa sitwasyon. Paniwala ni JC: “Posibleng galit kami sa isa’t isa. Nasa mabigat na situation pa sa relationship. Kung lumamig na eventually, magkaayos… Kasi, nandito pa rin naman ako bilang kaibigan para sa kanya.”

Dagdag pa ni JC, “Not right now. Bukas pa yung sugat.”

JC Santos and Ryza Cenon

A four year relationship is not a joke.

Sa naganap na hiwalayan nila ni Teetin may mensahe si JC sa dating katipan.

“Teetin, I’m sorry I let you down. Nandito pa rin naman ako, if ever, para maging kaibigan. You deserve to be happy. Pasensiya na kung hindi ko maibigay sa ‘yo yun.”

Sabi pa ni JC sa dating kasintahan, “You deserve someone better.”

Ayon sa Kapamilya actor, dahil sa nangyari, natutunan niyang pagdating sa relasyon, “Commitment talaga is a big responsibility.”

Sa kabila ng personal na isyu ng binata ay hindi pa rin naaapektuhan ang trabaho niya lalo pa’t may pelikula siya na ipapalabas come January 24 na pinamagatang Mr. & Mrs. Cruz with Ryza Cenon as his screen partner directed by Sigrid Andrea Bernardo (of the blockbuster film Kita Kita) mula sa Viva Films at First Idea Company.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

4 thoughts on “JC SANTOS, NAG-SORRY SA GIRLFRIEND

Leave a Reply

Your email address will not be published.