Luking Gud: JC Intal, break na sa GF na ipinalit kay Carla Abellana?!

MALAMANG NAGPA-PRACTICE NA si Rudy Hatfield sa kampo ng Brgy. Ginebra ngayon kung saan dumating siya kahapon mula sa Estados Unidos. Balik-laro na ang player pagkatapos iwanan ang paglalaro ilang taon na ang nagdaan. Pinokus ni Hatfield ang kanyang sarili sa kanyang pamilya, at nahanap ng ibang panghanapbuhay. Dahil sa tawag ng Diyos sa kanya, nakilala niya ito nang lubusan, na siyang dahilan kung bakit nabago ang pananaw ni Rudy sa mundo.

Sa pagiging malapit niya sa Diyos ngayon, posibleng ang lahat ng kanyang mga hinanakit sa ex-GF niyang actress na si Rufa Mae Quinto ay tuluyan na nitong nakalimutan. Tumungo pa rito ang grupo ni Hatfield para sa isang mission na tumulong sa mga nabiktima ng bagyong Ondoy.

Si Rudy, masusubukan ang husay niya sa paglalaro sa out of town game ng Ginebra kontra sa Rain or Shine na gagawin sa Victorias City, Negros Occidental. Good luck!

Sa pagdating ng player sa kampo ng Gin Kings, hindi magiging kawalan si Eric Menk na nagpapahinga ngayon sa kadahilanang may iniinda itong injury.

SPEAKING OF ERIK Menk, marami ang nagtatanong sa inyong lingkod lalo na yaong mga fans ni Menk kung sino ang nobya niya sa kasalukuyan. Well, minsan nakita namin si Erik sa isang restaurant malapit sa Gateway, isang mestisahin ang kasama niyang kumakain. Tila allergic na si Menk sa showbiz people. Rember si Mikey Ferriols ang kanyang naka-live in, hindi tumagal ang relasyon nila kesyo seloso ang basketball player, at kapag nalalasing ay nawawala ito sa sarili. After Ferriols, na-link sa kanya si Ara Mira. May isa pang sexy star na na-link sa kanya, sayang lamang at nakalimutan namin ang name niya.

‘Pag normal naman si Menk, super duper ang mama, madali siyang kausap at galante ito.Kung laro ang pag-uusapan, mahusay siya. Ilang beses na niyang pinatunayan sa Ginebra ang pagtulong sa pagsikwat ng kampeonato. At naging most valuable player na rin siya. Medyo may edad na rin si Menk, hindi man niya aminin marami na rin siyang nararamdaman. Ilang panahon na lamang ay magpapaalam na rin siya sa paglalaro.

Sino kaya ang magiging partner ni Erik, yaong makakasama niya habang buhay?

HOW TRUE KAYA ang nasagap na balita ng Sports-Bizz na break na raw si JC Intal sa kanyang GF na ipinalit kay Carla Abellana?

Hala! Kabagu- bago pa lang nila ni Ms. G, biglang wala na sila. Ano kaya’ng dahilan? Baka naman feel nu’ng girl na mahal pa rin ni Intal si Ms. Abellana kaya siya ang umayaw rito. O nais lang ni JC na makapag-concentrate sa kanyang basketall career at walang oras sa pakikipagrelasyon sa ngayon? Sa totoo lang, ha? Isa si Intal sa sikat na sikat ngayon sa tropa ng Brgy. Ginebra.

NAKALULUNGKOT NAMANG DAHIL sa hindi magandang performance ng Fern-C sa PBL, hindi muna sila lalahok sa amatuer league na magsisimula na sa April 17. S

inabi ng tumatayong team manager na si Mr. Joji Vibar, pahinga muna sila at kasalukuyang nasa Tate ang team owner. Hindi kaya nadismaya sa 1-6 panalo-talo ng team. Ang totoo niyan, medyo may edad na kasi ang ilang nakuhang players ng Fern-C. Isa pa, maraming buwaya na pinabayaan ng team, na siyang dahilan kung bakit isang panalo lang ang naiuwi ng Fern-C sa liga.

KINAUSAP KO SI Ms. Cesca Litton nu’ng minsang siya ang nakatoka for courtside reporter about his relationship to Jericho Rosales.

“Naku! Totoo ba ‘yan? Bakit hindi ko nabasa ‘yan? Ayaw kong magsalita basta kay Echo, pagagalitan ako ng manager ko,” sabi ni Cesca.

Sa totoo lang nagtu-twinkle-twinkle ang mga mata ni Cesca nang sabihin namin sa kanya na inamin na ni Jericho na siya ang special girl nito.Haba ng buhok ni Ms. Litton!

Photos by Tony Lu

Luking Gud
by Toni Lu with Malou Aquino
Pinoy Parazzi

loading...

6 thoughts on “Luking Gud: JC Intal, break na sa GF na ipinalit kay Carla Abellana?!

  1. si JEN ROSENDAHL yung sexy actress na cnsbi d2 na nalink ke menk…. and as far as i know naging si Menk dn at VJ sarah meier…

  2. hoy Lane BOBO dami mong paliwanag dyan eh di namn totoo yung lumabas na report na psych test yung mismong sinabi nakapirma sa report na pari ang nagsabi peke ito anu yun sinungaling si father caluag hehehe. kaya walang nangyayari sa pinas dahil sa mga katulad mong bopols dami dakdak di namn nagiisip kung tama o tooo yung pinagsasabi….engot

  3. I did my research. It’s absolutely true. The truth will definitely surface, just wait and see. Of course ABS-CBN will deny it. Cory Aquino is the reason they still exist. They will defend Cory’s children at all cost. Did you watch carefully Noynoy’s face when asked about this psychiatric issue? He is almost losing it. His demeanor explains itself.

    How would you like to have a drooling (tumutulo and laway) president? DEFINITELY NO!!!

    I am not a Villar supporter. I am a Filipino who only wants what’s best for my country.

  4. Nabasa nyo na ba ang pinakabagong balita ngayon naPsychiatric record ni Noynoy galing sa Ateneo? Hanapin nyo sa internet basta i type nyo lang sa search ang “Noynoy sira ulo” tapos mamili nalang kayo ng websites.

    Noynoy Aquino sira ulo pala. Mabuti nalang nalaman natin agad kundi baka magkaroon tayo ng presidente na may tupak. Napakadami yata ng problema ng presidente paano kaya ito haharapin ni Noynoy baka matuluyan na syang dalhin sa mental hospital

    Sino kaya ang angkan ng mga abnoy (may tupak) Aquino o Cojuangco. Namana lahat ni Kris at Noynoy

Leave a Reply

Your email address will not be published.