Stars Candid: JC De Vera’s Independence Day

SI JC DE VERA ang isa sa mga itinuturing na prime leading men ng Kapuso network. Nasubaybayan natin siya mula ng siya’y unang sumabak sa youth-oriented show na Click hanggang sa naging suki siya ng mga panghapong programa ng GMA-7. Kinilala siya bilang isang lead dramatic actor ng makatambal niya si Yasmien Kurdi sa mga Sinenovelang Pati Ba Pintig ng Puso? At Pasan Ko ang Daigdig. Nagbida rin siya sa primetime telebabad show na Babangon Ako’t Dudurugin Kita, kung saan nakipagsabayan din siya kina Angelika dela Cruz at Marvin Agustin pagdating sa aktingan. Tampok din ang JCMIEN loveteam sa pelikulang Only You. Sa hindi malamang kadahilanan ay nagkaroon ng hidwaan ang magloveteam.

Tinangkilik ng mga manonood ang tambalang JC De Vera at Rhian Ramos sa La Lola. Minahal siya ng madla bilang si Facundo at marami ang humiling na sana’y magkatuluyan ang dalawa sa totoong buhay. Hanggang ngayo’y napapabalitang lumalabas pa rin ang dalawa kahit na wala silang proyekto ngayon na magkasama.

Naging emosyonal si JC noong mga nakaraang buwan dahil naipit siya sa hidwaan ng GMA-7 executive na si Wilma Galvante at ang kanyang manager na si Annabelle Rama. Umabot pa nga sa korte ang kasong ito. Halos walang magawa si JC dahil hindi niya kayang kalabanin ang kahit na sino sa Galvante at Rama. Kawawang JC talaga! Buti na lamang at masisilayan na ulit natin ang kanyang kagwapuhan at kahusayan sa pag-arte sa Sinenovela presents Ngayon at Kailanman, kung saan katambal niya si Heart Evangelista.

Sa ngayon ay masasabi natin na medyo malaya na si JC De Vera. Sana ay tuloy-tuloy na ang kanyang pagsikat at sana rin ay tantanan na siya ng mga intriga!

Stars Candid
by Mica Rodriguez, Photos by Luz Candaba

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.