JC De Vera, wish na makasama ulit si Jessy Mendiola sa isang proyekto!

Jessy Mendiola and JC De Vera

JC DE VERA might be seen every afternoon sa teleseryeng The Better Half with Shaina Magdayao and every Sunday naman nakikipagkulitan sa Banana Sundae, pero hindi maikakaila na sa karera niya bilang isang Kapamilya ay sa loveteam nila ni Jessy Mendiola siya nakahanap ng malakas na chemistry.

 

Ang surprising chemistry yata nila ni Jessy ang dahilan kung bakit sila kinuha two years ago para sa suspense-thriller na ‘Salvage’, which was part of the CinemaOne Originals two years ago. Mapapanood na ang nasabing pelikula this coming August 16-22, 2017 as part of Pista ng Pelikulang Pilipino sa mga sinehan nationwide.

Naging maganda ang samahan nina JC at Jessy thru the family drama show ‘You’re My Home’ na nagkaroon pa sila ng following. Klaro naman noon na walang something sa dalawa, pero sinuportahan pa rin sila.

Sa naging solo music album ni JC ay nagkaroon pa sila ng duet thru the song ‘Nabibihag’ at kinuha niyang leading lady sa music video niya for ‘Langit na Rin’.

Ngayon na out na si Jessy Mendiola sa Banana Sundae, naging vocal naman si JC at inamin na malakas talaga ang chemistry nila ng current girlfriend ni Luis Manzano. Nakakaaliw noon kapag trending ang #TeamTurtles or #GraceTian.

As of now ay walang napapabalitang girlfriend si JC dahil tila concentrated ito sa kanyang teleserye at sa business niya na restaurant that serves really good burgers. Pa-burger ka naman!

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.