JC de Vera, walang time magka-girlfriend

JC-de-VeraNU’NG NAKARAANG Linggo pala ang huling Linggo namin sa Startalk dahil balik na kami sa Sabado ng hapon.

‘Yun naman kasi ang gusto ng karamihan at talagang pinuputakti ng mga komento ang Startalk na dapat ay bumalik daw kami ng Sabado.

Nu’ng Linggo, pagkatapos ng Startalk, napilitan pa akong mag-stay hanggang gabi dahil pinakiusapan talaga ako ni Manay Ethel Ramos na puntahan ko ang pa-presscon ng pamangkin niya na nag-ayos ng press launch ng Tomato Time, ang bagong brand ng relo na ini-endorse ni JC de Vera.

Sa totoo lang, sosyal ang dating ng Tomato na apparel, at pang-girl ito.

Nagdagdag ng produkto ang Tomato at ito nga ang bagong line ng watch na Tomato Time na kung saan si JC ang kinuha nilang endorser.

Malaki ang pasasalamat siyempre ni JC sa ABS-CBN 2 dahil nang naging Kapamilya na ito, sunud-sunod na ang mga projects niya at bumongga uli ang career niya.

Dalawang drama series ba namang araw-araw ka napapanood, eh ‘di bongga ka!

Kaya siya pinili na mag-endorse ng Tomato Time, lalo na’t relo ang isa sa mga hilig niya. Kaya nagagamit niya ito sa mga programang nilalabasan niya.

Wala na rin tuloy time si JC sa lovelife niya dahil sabi nga niya, unfair naman daw sa magiging girlfriend niya kung wala naman siyang time na mabibigay.

Inamin din niya na ang huling girlfriend niyang si Danita Paner ang talagang pinagbuhusan niyang oras, at nasaktan siya nang husto nang magkahiwalay sila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “JC de Vera, walang time magka-girlfriend

  1. Manay Lolit, kaya wala pong time magka-girlfriend si JC kasi nababalitang jowalet siya ni Deo Endrinal, isa sa mga execs na ABS. Kaya dalawa ang palabas niya sa nasabing network dahil dito.

  2. nyahahahahaha baka mawalan siya ng project at laosin agad siya ni Vaks Deo hahahahaha hindi sawa si vaks Deo sa kanya hahahahha kaya bawal pa siyang manilgaw hahahahah

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.