JC De Vera says he’s contented with girlfriend Danita Paner

MARAMI ANG NAGTATANONG, ano raw ba ang ginawa ni JC de Vera para mapaamo si Daisy Romualdez na adoptive mother ng girlfriend niyang si Danita Paner. Kilala kasi ito bilang mataray at istriktang stage mother.

At kung gaano ka-tindi ang pagtutol nito sa ex-boyfriend ng anak na si Kean Cipriano, kabalig-taran naman kung ito kaboto kay JC.

“Happy naman ako na gano’n,” ani JC last time na nakausap namin siya matapos ang airing ng Hey It’s Saberday. “Kumbaga naii-earn mo ‘yong trust ng tao, eh. Basta siguraduhin mo lang na walang mangyayaring masama sa anak niya. And na-prove ko naman ‘yon sa kanya.

“Siguro mga three or four times na nag-out of town na kami. Payag siya. Alam ko may tiwala naman sa akin si Tita Daisy.”

Sa beach daw sila usually nagpupunta ni Danita. Pero hindi raw silang dalawa lang kundi kasama ang ilang kaibigan nila.

“’Pag free time kasi namin, gusto naming nakikita ‘yong mga friends namin. Breather lang namin ‘yon. Na from work, gusto mong mag-relax.”

Si Jasmine Curtis ang ginu-groom na kapareha ni JC sa TV remake ng Utol Kong Hoodlum. At kampante naman daw siyang hindi ito makakaapekto sa relasyon nila ni Danita.

“Wala. Magkaibigan sila. At mas close pa nga sila kesa kami ni Jasmine, eh.”

Malabo umanong mangyari na sa pagsasama nila sa trabaho ay mahulog ang loob niya kay Jasmine at may mabuong love triangle sa kanilang tatlo ni Danita.

“Hindi mangyayari ‘yon. Si Jasmine, intelligent siya. Alam niya ang do’s and don’t’s. Siyempre alam na rin niya ‘yong way sa showbiz, kasi sa Ate (Anne Curtis) niya. Meron siyang guardian, kumbaga.

“And I don’t think magkakaroon ng anumang conflict (working with Jasmine at ‘yong relasyon nila ni Danita) kasi maayos ‘yong samahan namin. Wala kaming anumang issues sa set (ng bagong seryeng ginagawa nila ngayon sa TV5).”

Talaga bang kapag may girlfriend siya, hindi siya naa-attract at nagkakainteres na manligaw pa sa iba kahit gaano pa kaseksi at kaganda?

“Ah… marunong akong maka-appreciate ng beauty. Pero ‘yong mai-inlove ako, hindi. Kapag may girlfriend ako, ‘yong girlfriend ko lang.

“Pero siyempre, hindi mo rin masabi kung maganda talaga ‘yong babae tapos ikaw na ang nililigawan,” medyo natatawang kambiyong pahayag ni JC.

“Pero ang hirap no’n, eh. As much as possible talaga, ‘pag girlfriend, girlfriend lang. Wala ka nang sideline.”

Pero ang isang guwapo at kilalang aktor na gaya niya, lapitin talaga ng babae, ‘di ba?

“Na parang sila ang nanliligaw? Well… kai-langan mong laruin ‘yong cards mo nang tama. So dapat alam mo kung kailan ka maggi-give in. Kung kailan ka makikipag-friends lang, ‘di ba?

“At saka ano ‘yon… parang sinisira mo na ang sarili mo kapag patol ka nang patol. Ang pangit na sa image ‘yong gano’n, eh.

“Okey naman ako kay Danita, eh. Kuntento naman ako sa kanya. Okey na ‘yong nakakita ako ng ibang magagandang babae sa paligid ko. May girlfriend na ako, eh,” sabi pa ni JC.

Ganyan?

 

MALAKING BAGAY RAW para kay Tom Rodriguez na na-bigyan siya ng chance na maging leading man ni Marian Rivera sa Temptation Island.  May kissing scene at lovescene sila rito kaya may mga nagbibiro rin sa binata na suwerte siya.

Pero pagtatapat ni Tom, grabe raw ang nerbiyos niya bago kunan ang nabanggit na tagpo. For a newcomer like him, hindi raw maiwasang mailang siya na isang big star ang kaeksena niya.

Wala pa raw siyang bagong project sa ABS-CBN. His last was the Mana Po episode ng Precious Hearts Roman-ces with Melai Cantiveros na ipinalabas noong April.

Aware ba siya sa sabi-sabi na kapag male star na walang kadikit na gay executive ng network, hindi gaanong nabibigyan ng magandang break o napu-push nang husto?

“Ah… wala akong alam sa mga ganyan!” natatawa ulit na reaksiyon ni Tom. “Basta sa akin, work hard lang and ano… so far kuntento naman ako sa takbo ng career ko sa ngayon.”

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “JC De Vera says he’s contented with girlfriend Danita Paner

Leave a Reply

Your email address will not be published.