JC de Vera, retaliates against GMA Exec

GINUNITA NG PAMILYA ni Francis Magalona nu’ng nakaraang Miyerkules ang ika-40 araw nang pagyao nito.

Nagkaroon ng misa sa Greenwich clubhouse ng Corinthian Gardens at pagkatapos niyon, may konting handaan at tumuloy sila sa isang simpleng programa na sinalihan ng pamilya ng master rapper at mga malalapit na kaibigan.

Naikuwento nga ni Pia Arroyo-Magalona sa Startalk reporter namin na ilang araw rin daw silang nag-rehearse ng pinaghandaan nilang song number.

Gustong ipagpatuloy ni Pia ang mga sinimulang proyekto ni Francis gaya ng solo album nitong matagal na palang tapos, pero hindi pa naire-release ng BMG Records. May kontrata pa si Francis sa nabanggit na recording company, kaya inaayos na raw nila ngayon ang pag-release nito na maaaring gawin na nila sa susunod na buwan.

Bukod sa solo album, meron pang isang album si Francis na collaboration nila ni Ely Buendia, na kailangan daw nilang tapusin bago matapos ang taon. Napag-usapan na raw ito nina Ely at Pia at balak nilang tapusin ito kasama ang bandang Pupil ni Ely at ilang mga kaibigang musicians. Baka sa October na raw nila ito ire-release sa birthday ni Francis.

Pati pala ang bunsong anak nina Francis at Pia na si Arkin ay papasukin na rin ang showbiz. Kunsabagay, noon pa man ay nag-aartista na ito dahil siya ang madalas na gumaganap na young Dingdong Dantes.

Kamakailan lang, nag-pictorial ito para sa I/M shirts for kids na i-endorse niya. Pero kung tatanungin mo itong bagets, ayaw raw niya mag-artista. Basta sumusunod lang siya kung merong pinapagawa sa kanya ang Mommy niya.

Masaya ring ibinalita ni Pia na okay na rin ang magkapatid na Maxene at Saab. Bumalik na nga raw si Saab sa condo unit ni Maxene at magkasama na sila ngayon.

Kaya natutuwa naman si Pia dahil magkakasama sila ngayon at behaved daw ang mga anak niya. Alam kasi nilang ito ang makapagpapasaya sa Daddy nila.

Abangan n’yo pala sa Startalk ang kabuuan ng kuwento namin tungkol dito at ang buong detalye kung paano nila ginunita ang 40 days ni Francis.

NAGSAMPA NA NGA ng demanda si Annabelle Rama laban kay Wilma Galvante ng kasong grave slander dahil sa sinisiraan daw siya sa mga alaga nito. Nu’ng Miyerkules ng hapon, nag-file ng kaso si Annabelle at kasama nito si JC de Vera na tumayong witness para kay Bisaya.

Kinalaban na ni JC si Wilma na siyang nagbigay naman ng magandang break sa kanya para sumikat, kaya tingnan na lang natin kung ano ang kahihinatnan ng kanyang career.

May future kaya siya sa ABS-CBN 2, kung sakaling lumipat siya roon? Tingnan na lang natin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

6 thoughts on “JC de Vera, retaliates against GMA Exec

  1. goodbye na sayo jc…..wala ka nang career….ikaw na rin pumatay sa sarili mong kabuhayan…tingin mo kukunin ka ng abs?….ayaw namin sa iyo…saan ka lalagay dito?…pwde sa kangkungan..

  2. No to Annabelle and her talents. Si RG (kunot king) ay overrated. Swerte lang sya kasi magaganda ang roles na binibigay ng GMA7 sa kanya. Pamilya sila nga mga mukhang pera, sinungaling, plastikada, matapobre(as if they are old rich,eerr) mayayabang, manunuhol, feeling royalties, etc.
    JC, sayang lang break na binigay sa iyo ng GMA7, big turn-off ka, iyakin pa. I used to like u before like RG but now wala nang natirang matino sa mga alaga ni Annabelle.

  3. I hate to read this article about pag risbak ko no ni bisaya vs Ms. Wilma. If I ware GMA patalsikin lahat ng talent ni Bisaya sa Siete, tingnan ko lang kung sumikat ang bata niya sa DOS…

Leave a Reply

Your email address will not be published.