JC De Vera & Maja Salvador: Loving You Is A Dream Come True!

Maja-Salvador-JC-de-VeraJC DE VERA
Full Name: JC De Vera

Birthdate: Mach 10, 1986

Zodiac Sign: Pisces

Symbol: The Fish
Ruling Planet: Neptune
Quality: Mutable
Element: Water
Basic Trait: I Believe
Closest Metal: Germanium and Strontium
Lucky Day: Thursday

MAJA SALVADOR
Full Name: Maja Ross Andres Salvador

Birthdate: October 5, 1988

Zodiac Sign: Libra

Symbol: The Balance

Ruling Planet: Venus

Quality: Cardinal

Element: Air

Basic Trait: I Balance

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

 

GABI-GABI, INAABANGAN sa ABS-CBN ang The Legal Wife. Ito ay pinagbibidahan nina Angel Locsin at Jericho Rosales, with the utmost support of Maja Salvador and JC De Vera.
Mula Kapuso Network ay naging Prinsipe ng Singko si JC De Vera. Late last year ay pumirma ito ng kontrata sa Kapamilya Network at ang teleserye ang unang major project niya. Very vocal ang binata na noon pa man ay pangarap na niyang makatrabaho si Maja Salvador. ‘Ika nga, ang dalaga ang kanyang “Dream Leading Lady”. Base sa mga trailers ng programa, mukhang eventually ay sa karakter ni Angel Locsin mai-in love si JC. At the moment, siguradong sinisimot ni JC ang bawat sandaling nakaeeksena niya nang bonggang-bongga si pretty Maja. Kaloka kaya ang kanilang love scene sa first week!
Sa mga forums, very vocal din ang mga fans sa pagkakilig nila sa very tempting tandem ng dalawa. Kunwari wala si Papa Gerald Anderson sa eksena. May chance kaya ang JC-Maja na maging totohanan?

Prangkahan na – isang challenging match ang Pisces at Libra lalo na sa umpisa ng kanilang pagsasama. Pareho silang sensitive at may pagkakataon na iniiwasan nilang pag-usapan ang isang problema kahit pa sobrang laki na nito. Mas pasibo sa pagdedesisyon ang Pisces, habang ang Libra naman ay iniisip palagi ang kalalabasan ng bawat galaw nito. Madaling magpatawad ang Pisces, habang ang Libra ay hindi basta-bastang nakalilimot lalo na kung nasaktan ito.
Parehong gusto ng Pisces at Libra ang pag-ibig at romansa. Kung determinado ang dalawa na ipaglaban ang kanilang pagmamahalan, kakayanin naman nila ito. Ang kaso lang ay hindi talaga ito madali. Puwedeng turuan ng Libra ang Pisces na huwag padalus-dalos sa buhay. Relax lang, steady lang. Mapapakita naman ng Pisces sa Libra kung paano maging less worried and judgmental. Ang pagiging sobrang clingy ng Pisces ang maaaring magtulak sa Libra palayo. Sa totoo lang, may commitment issues ang mga Libran lalo na kung marami itong pinagdaanan sa buhay.
Ikatutuwa talaga ng lalaking Pisces ang atensyon na inuukol sa kanya ng babaeng Libran. Mataas ang kanilang pangarap sa buhay at nagiging driving force nila ito para magtagumpay sa buhay. Bonggang-bongga ang love match na ito pagdating sa usaping kama dahil pareho silang magaling sa romansahan. Tyampyon na nga sila sa romance department, pero isang malaking hamon ang stability. Emosyonal masyado ang Pisces habang intelektwal naman ang pinaiiral ng Libra. Puwede itong makasira sa relasyon kung hindi nila mapag-uusapan nang mabuti.
It won’t be easy, but there’s big potential for the two! Single ngayon si JC, pero very in love si Maja sa kanyang boyfriend na si Gerald. Hintay-hintay ka lang Papa JC. Kung may pagkakataon, abang-abang lang! Hek-Hek-Hek!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.