JC de Vera, magaling makipag-eskrimahan!

PARANG MAY BITTERNESS kay JC de Vera ang dating ng topic tungkol kay Rhian Ramos. May nagbanggit kay JC sa presscon ng Panday Kids na parang siya ang tinutukoy ni Rhian na almost naging boyfriend nito noong 18 years old pa lang siya. Inamin ni Rhian na ang lalaking ito’y minahal na rin naman niya, but something went wrong. Walang binanggit na pangalan si Rhian.

Basta kay JC, ayaw na niyang pag-usapan ang chapter na ‘yun kay Rhian. Wala rin naman daw siyang kinalaman sa career ng aktres, at lalo na sa kanya ngayong nagkanya-kanya sila ng landas.

Pero, in fairness, nang mawala si Rhian sa buhay ni JC ay “blooming” ang aktor. Talaga namang naging buffed ang porma nito at mas lalong naging katakam-takam. At marunong sumakay sa ka-echusahan ng mga bading itong si JC, lalo na ang topic tungkol sa kanya diumanong espadang humahaba, na ang tinutukoy ay ang sandatang ginagamit niya sa Panday.
Magaling daw sa eskrimahan itong si JC, pagmamalaki pa niya. Ganoon?

SA ISANG KAMPANYAHAN sa Balintawak, Quezon City, pinag-initan daw ng kandidata sa pagkakonsehala sa 2nd district na si Glenda Garcia ang baguhang aktor na si Rain Javier, nagbida sa pelikulang “SRO (Standing Room Only)”. Naroroon ang baguhan at ang manager nitong si Troy Catan, na nakabanggan na pala ng kapatid ni Glenda na si Melissa Mendez dahil sa alaga rin ni Troy na si Raymond Cabral noon.

Hindi ba’t na-link si Raymond kay Melissa? Sa latest incident naman, sinita ni Glenda si Rain dahil nang isalang para sa number niya ang bagito, hindi man lang daw binati ni Rain si Glenda, na hindi raw totoo dahil lahat ng naroroon ay binanggit ng baguhan.

Kung anu-ano na raw ang sinabi ni Glenda kay Rain, na siyempre pa, nakaabot sa manager nito na nakipagtalakan na rin kay Glenda dahil obvious ang pinagmumulan ng conflict sa kanila. Hindi ‘yung kinaligtaan daw binati ni Rain si Glenda kung hindi ‘yung alam diumano ni Glenda na si Troy Catan din ang pinagmulan ng kung anu-anong chika at blind items daw na si Melissa ang tinutumbok, pero wala naman talagang nagbabanggit sa aktres.

Anyway, napansin naman daw ni Troy na parang kumukuha lang ng atensiyon si Glenda para maanggihan din siya ng ingay. Ilang saglit pa, may pagka-”touchy” na raw si Glenda kay Rain at magkatabi pa sila after that incident na parang pa-tweetums daw, in front of so many people, huh! True ba ito? Ano itong drama ni Glenda na parang ayaw raw patalbog sa kapatid na si Melissa?

Ewan lang kung ano ang kahihinatnan ng chikang ito para sa kampanya ni Glenda. Incidentally, naroroon naman daw sa event na ‘yun ang grupo ni Rain para sa suporta sa isang pulitikong nagkataong kapartido pala ni Glenda. Basta ang alam namin, tampok si Rain Javier sa “IndiesGuys”, ang musical show na pino-produce namin kasama si Troy Catan mismo, sa Music Box Timog, QC, mamayang gabi na ‘yan, 10PM. Tiyak na pag-uusapan doon si Rain at ang insidente sa kanila ni Glenda, at magpe-perform din pala tonight sa “IndiesGuys” ang iba pang indie actors na sina Paolo Rivero, Marco Morales at Raymond Cabral. P300 ang ticket price.

Pasok!

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

One thought on “JC de Vera, magaling makipag-eskrimahan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.