JC de Vera, mabigat sa puso ang mag-report sa Panday Kids!

TALIWAS SA SALAYSAY ng driver, hindi nag-suicide ang anak ni Toni Rose Gayda na si Edward James Lim. Aksidenteng nahulog ang beinte siyete anyos na lalaki mula sa balkonahe ng ikaapat na palapag ng kanilang condo unit sa Mandaluyong City bandang alas kuwatro ng madaling-araw noong Biyernes.

Ito rin ang pinaninindigan ng ama ni James, si Ginoong Moonie Lim, na kung common sense na lang ang pagbabatayan ay bakit hindi umakyat ang kanyang anak sa pinakamataas na storey ng gusali (20th floor) kung ang pakay nga nito’y kitlin ang sariling buhay?

Harinawa’y kasama na ring nasunog na mga labi ni James ang mga haka-haka na isang kaso ng pagpapatiwakal ang insidente. Sa panahon ng pagdadalamhati ng kanyang mga kaanak, hindi makatutulong sa kanilang recovery ang mga ganitong espekulasyon.

PRANGKANG SINABI NI JC de Vera na mabigat sa kanyang puso ang mag-report sa set ng Panday Kids. Each working day was no longer as exciting as it was nearly seven years ago nu’ng nagsisimula pa lang siya sa GMA-7.

Aminado si JC that such discomfort stemmed from the falling-out between his manager Annabelle Rama and GMA SVP for Entertainment Wilma V. Galvante, pero tamang-tama namang mag-e-expire na ang kanyang kontrata that paved the way for his anticipated entry into what is his newfound home, ang TV5.

Despite the egress from GMA, wala akong narinig na di-magagandang salita mula kay JC patungkol kay Ma’am Wilma. Mananatili raw na mataas ang kanyang respeto sa lady executive.

Tatlong taong non-exclusive contract ang pinirmahan ni JC sa TV5 which translates to at least four shows tulad ng gag show, musical variety show, drama series at primetime action series. Sa katunayan, cameras began grinding for JC who’s cast in Loco Moco U (formerly Loco Moco High).

FOR MOVIE BUFFS, Black Saturday is not necessarily all-black. It can be a funtime for lovers with a natural penchant for romantic dramedy.

Kaya good news sa mga in love, loveless, tigang at oversexed, Sam Milby and Anne Curtis’ Babe, I Love You will stir your appetite on April 3, araw kung kailan you’re probably back in Manila from a restful vacation.

First time on the widescreen ang tambalang Sam-Anne although naka-dalawang partnership na sila on ABS-CBN. What tickles your fancy ay ang katotohanang they “used to be” in real life, but they aren’t now. Pero tigilan na ang anggulong love is lovelier the second time around, let the merits of the movie alone help Sam and Anne pull through.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

5 thoughts on “JC de Vera, mabigat sa puso ang mag-report sa Panday Kids!

  1. …sorry di nag offer ang dos sa kanya eh….kahit nga mga gutierezes eh….super parinig ni anabelle na ma expire na contract ng mga anak nya sa siete eh dedma lang ang dos

  2. GAGO siya at kumampi kay Annabelle!
    Obvious na tsinugi ni Annabelle ang pausbong na career nito sa GMA para nga naman walang kalaban ang anak niya si Richard.
    LADY GAGO si JC

    • eh di he’s given an opportunity to shine – and can shine brighter than Richard G. of course, his manager wouldnt like that. im an avid kapuso so im a little disappointed things went downhill for him in GMA. i actually liked his loveteam with Yasmien. i like those two when together, not as individual actors. oh well.

Leave a Reply

Your email address will not be published.