JC de Vera, gustong kumalas kay Annabelle Rama?!

“TIME OUT from her. I mean, siguro this time, gusto ko lang ng growth!” Ito ang namutawi sa bibig ni JC de Vera sa balitang aalis na siya sa pangangalaga ni Annabelle Rama na tumagal nang sampung taon, sa mismong thanksgiving presscon ng Lokomoko U ng TV5.

Ayon kay JC, 2 to 3 months daw ang time out na hiningi niya kay Tita Annabelle para mag-isip kung pipirma siya ulit ng panibagong kontrata rito o hahanap ng bagong manager.

“For 10 years, mana¬ger ko si Tita and maganda naman lahat ng nangyari. Siguro lang ngayon, gusto ko lang ding makapag-desisyon para sa buhay ko, lalo na sa career. Mahirap po kasing sumagot dahil sa ngayon, hindi ko pa rin alam, wala pa kong final decision.”

Dagdag pa ni JC na naiintindihan daw siya ni Tita Annabelle na pinayuhan siya na pag-isipan nitong mabuti ang kanyang magiging desisyon. Sa ngayon daw, tapos na ang kontrata ni JC sa Kapatid Network kaya naman daw per project  ang kontrata niya rito.

Pero kahit tapos na raw ang kanyang kontrata sa Singko, mananatili raw siya rito hanggang nabibigyan siya ng project. Ito na rin daw ang pagtanaw ng utang na loob niya sa TV5.

HINDI RAW aprubado kay Carl Guevarra ang gagawing pagpapa-sexy sa isang pelikula ni Direk Gil Portes ng masasabi naming pinaka-espesyal na babae sa kanya na si Kris Bernal.

Pero dahil gusto raw gawin ni Kris ang nasabing pelikula, susuportahan na lang daw ito ni Carl. Ipinaliwanag naman daw sa kanya ni Kris kung bakit nito tinanggap ang nasabing film. Gusto raw kasi ni Kris na magakagawa ng proyekto na medyo matured na ang role na kanyang gagampanan.

Ganu’n din naman daw si Kris sa kanya na 100% ang suporta sa mga proyekto na ginagawa niya, kaya naman daw click na click sila sa isa’t isa dahil maraming bagay ang nagkakasundo sila at nagkakaintindihang dalawa.

 

BONGGA ANG ginanap na trade launch ng New Placenta sa Club Mwah kamakailan, kung saan ipinakilala ang pinakabagong mukha ng New Placenta na si Stephany Stefanowitz (Miss Earth 2012).

Bukod sa pagpapakilala kay Stephany, ipinakilala rin dito ang All New Placenta Care Formula na may sangkap na Bio-Placentana na doble  pampaputi at nakaka-moisturize ng balat .

Ayon nga sa Psalmstre Enterprises, Inc. president na si Sir Jaime Acosta, “Mula sa itinayo kong kumpanyang ito, I had a personal  vision na kailangang hindi lang dito sa Pilipinas makilala ang aming produkto, kundi maging sa ibang bansa man.

“Kaya naman ngayon at na-penetrate ko na ang international market , kailangang pagbutihin namin ang paggawa ng New Placenta at patuloy kaming mag-research to improve the quality and formulation of our products.

“I will be forever grateful and thankful to them dahil kung hindi sa kanilang malaking tulong, hindi ko maipapakilala ang mga produkto ko sa ibang bansa,” pagtatapos ni Sir Jaime.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

7 thoughts on “JC de Vera, gustong kumalas kay Annabelle Rama?!

  1. NAKOH, PUTTING IT KINDLY PA SI JC DE VERA. HINDI PA DERECHAHIN NA, “AYOKO NA KAY BISAYA. LALO LANG AKONG NAGING LAOCEAN DAHIL SA KANYA.” HAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.