JC de Vera, caught between GMA executive and Anabelle Rama

JC de Vera, caught between GMA executive and Anabelle Rama
Written by Ambet Nabus
February 23-24, 2009
Bookmark and Share

MALAKI ANG IPINAYAT ni Senador Jinggoy Estrada nang muli itong humarap sa mga nagmamahal nilang kaibigan noong kanyang birthday party last Feb.20.

Bumata ang hitsura nito at mas mukha itong masigla. Naging birthday wish tuloy namin para sa kanya na magtuloy-tuloy ang nasabing pagpapayat dahil in fairness naman talaga, eh bumagay sa kanya.

Anyway, isa na nga marahil ‘yun sa pinakabonggang parties na napuntahan namin. Bukod sa mga malalapit na kaibigan at mga kaalyado ng mga Estrada, naroroon halos lahat ng mga kilalang pangalan sa showbiz at pulitika.

Tuwang-tuwa nga kaming pinagmamasdan sa isang sulok si dating Pangulong Estrada na tila enjoy na enjoy sa pag-text. Grabe namang pinagkaguluhan ang pambansang kamao nating si Manny Pacquiao, na kagagaling lamang sa PSA award nang gabi ring ‘yun. Siya ang tinanghal na Athlete of the Year ng naturang grupo ng mga nasa sports at nailuklok pa siya sa hall of fame.

Ang ilan sa mga namataan ng Parazzi sa okasyon ni Senador Jinggoy ay ang mga kapwa niya Senador na sina Bong Revilla, Chiz Escudero, Manny Villar at mga malalapit na showbiz friends gaya nina Boyet de Leon, Lorna Tolentino, Tirso Cruz lll, Philip Salvador, Amy Austria, Sandy Andolong, Bibeth Orteza, Gabby Concepcion, Jomari Yllana, Bayani Agbayani, at marami pang iba.

MARAMI ANG NAGRE-REACT sa isang napaulat na balita na kaya lamang diumano nakipagbati si Kris Aquino kay Dra. Vicky Belo ay para matulungan ang ratings ng bagong show nilang Showbiz News Ngayon.

Pero ayon sa nakalap naman naming impormasyon, sadyang impressive na ang ratings ng show at bago pa man daw ipinakita sa publiko ang naturang interview ni Kris sa mismong tahanan nina Dra. Belo, nagkaroon na ng oportunidad na magkausap ang dalawa. Meaning, nagkabati na sila at ang nakita raw sa telebisyon ay parang part two at mas extensive na lang.

MARAMI NAMAN ANG naaawa kay JC de Vera matapos na ito’y maipit sa matatawag nating nag-umpugang mga bato.

Sa tindi ng mga pinakawalang litanya ng manager nito cum nanay-nanayan sa showbiz na si Tita Annabelle Rama laban sa tv executive na si Ms. Wilma Galvante, maloloka talaga ang sinumang makaririnig.

Knowing Tita Annabelle na laging palaban pagdating sa mga alaga niya, lalong lumalakas ang loob nito kapag alam niyang tama ang kanyang mga litanya.
Subalit nagpalabas naman ng pahayag ang kampo ni Ms. Galvante na wala siyang dapat na ipaliwanag sa mga akusasyon sa kanya dahil ginagawa lamang niya diumano ang kanyang tungkulin bilang isang ehekutibo ng GMA 7.

For sure, may mga pasabog pang ginawa si Tita Annabelle sa mga Sunday programs kahapon. At hindi dito nagtatapos sa aming palagay ang mga isyu. Kaya nga may mga nagpapalagay na sa pagkakaipit ni JC, maapektuhan at maapektuhan ang gumaganda pa naman sanang takbo ng kanyang career.

Well, isa kami sa mga naniniwala na promising si JC at malaki talaga ang potensiyal niya to make it big. Para sa amin, gamitin na lang niyang positibo ang mga ganitong intrigahan, dahil in the end, siya naman talaga ang dapat makinabang.

AKALA NG MARAMI, either kina Manuel at Janna lamang manggagaling ang Ultimo Participante ng Pinoy Fear Factor.

Nagkamali ang karamihan, including us, dahil si Jommy ang tinanghal na kauna-unang winner na nanalo ng 2 milyon, at house and lot mula sa nasabing show ng ABS-CBN.

Hindi namin bet si Jommy kaya’t nagulat kami sa tatag niya everytime na personal naming hinuhulaan (base sa lakas ng performance) na either kina Manuel at Janna ang winner.

Ngiti lang ang madalas nitong isukli. Now, he is a millionaire at may maganda pang future sa showbiz dahil may hitsura naman ito at mukhang magiliw.

Ilang beses na rin namin siyang nakakausap at hinahangaan namin ang haba ng pasensiya niya sa pagpapakita na kahit siya na pala itong nanalo (the participants were back in the country since last December pa, eh last Feb 20 lang nag-end ang show), talagang pinanindigan niya ang pag-emote na wala silang dapat sabihin o iparamdam man lang.

If only for that, puwede naming sabihing mahusay na aktor si Jommy. Congratulations and good luck sa showbiz career!

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.