JC De Vera, Balik-Primetime!

PAGKATAPOS NG MAHIGIT isang taong pagiging absent sa GMA Telebabad block, muli na namang magiging visible ang Kapuso leading man na si JC De Vera sa primetime via Panday Kids.

Matagal-tagal na ring hinihintay ng mga fans ni JC ang kanyang pagbabalik. Akala nga nila noon ay tuluy-tuloy na talaga ang pagsikat ng binata at maililinya na ito kina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes at Dennis Trillo. Nagkaroon lang ng bulilyaso nang makabangga ng manager niyang si Annabelle Rama ang isang executive ng Siyete.

Hindi naman talaga nawala si JC. Hindi lang talaga siya naramdaman noong 2009. Siya ang naging leading man ni Heart Evanngelista sa Sinenovela presents Ngayon at Kailanman. Maganda man ang storya at okay man ang akting ng dalawa sa nasabing palabas, hindi naman ito masyadong nagmarka sa mga audience. Siguro’y dahil alam ng lahat na naipit ang dalawa dahil sa kalagayan ng kanilang manager noon.

Sa Panday Kids, masasabi nating si JC De Vera ang pinaka-bidang lalaki. Makakapareha niya rito ang Starstruck III Female Survivor na si Jackie Rice. Ngayon pa lang ay may mga nagsasabing may potensiyal ang kanilang loveteam kung aalagaan ito ng Siyete. Mas identified kasi si JC kina Yasmien Kurdi at Rhian Ramos, na talaga namang inabangan ng mga tao.

Ito na ba ang hudyat ng paglutang ulit ng showbiz career ni JC? Let’s wait and see.

By Pinoy Fans Club

Comments? Questions? Suggestions? Email us at pinoyfansclub@gmail.com or visit our site at http://www.pinoyfansclub.com

loading...

One thought on “JC De Vera, Balik-Primetime!

Leave a Reply

Your email address will not be published.