Parazzi Chikka: JC De Vera, bagong prinsipe ng TV5!

IT’S CONFIRMED! Tuluyan na ngang lumipat ang Kapuso leading man na si JC De Vera sa TV5. Nagkaroon ng solo presscon ang actor sa Mario’s Tomas Morato noong March 17. Kasama niya ang kanyang manager na si Annabelle Rama.

Masayang-masaya naman si JC sa bago niyang tahanan. Paano ba naman, apat na show kaagad ang nakahain na gagawin ng bagong ka-shake. Nakatakda siyang gumawa ng gag show, musical-variety show, drama anthology at isang primetime action series na swak na swak sa personality niya. Bongga, diba?!

Nang tanungin namin si JC kung nanghihinayang siya sa maagang pag-alis niya sa programang Panday Kids, inamin niya na ikinalungkot niya ito. Pinaghandaan niya kasi ang nasabing proyekto. Nang ang pag-alis naman sa Kapuso network ang tinanong namin, aminado siya na mas gumaan ang loob niya na sa wakas ay ‘malaya’ na siya.

Mukhang good move nga itong pakikipag-shake ni Papa JC, huh! Nagpakita rin siya ng interes na makapareha sa isang palabas ang itinaguriang Prinsesa ng TV5 na si Alex Gonzaga. Ito na siguro ang hudyat para matawag na Bagong Prinsipe ng TV5 network si JC. Talbog!

By Mica Rodriguez

Photos By Fernan Sucalit and Luz Candaba

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Parazzi Chikka: JC De Vera, bagong prinsipe ng TV5!

Leave a Reply

Your email address will not be published.