JC de Vera at Chris Cayzer, nagkamali ng desisyong lumipat sa Singko?!

BLIND ITEM. DINARAGSA ANG ATING bansa ng Brazilian models na nagkakaroon ng career dito sa Pilipinas at ang iba nga ay nag-aartista na rin. Sa premiere night nga ng isang pelikula, itong male Brazilian model na ito ay nag-accomodate ng interview, gayundin ang iba niyang mga kasama.

Super-ask ng kung anik-anik ang lady reporter na um-interview sa Brazilian model, pero dinig na dinig namin, nang tumalikod na ito pagkatapos ng interview at ang kausap na ay ang direktor ng kanilang pelikula, ang nasabi raw ng Brazilian model ay, “I’m sick and tired of these interviews!”

Aba, may attitude pala si Kolokoy! Mabuti na lang at hindi siya ang in-interview namin kung hindi ‘yung isang Brazilian model na very thankful pa sa amin. Tatandaan namin ang pangalan ng Brazilian model na ito para hindi na rin namin siya maabala pa para ma-interview lang.

MAY NAGSABI sa amin na maling-mali rin daw ang desisyon ng gaya nina JC de Vera at Chris Cayzer na magsumiksik sa TV5. Oo nga’t maganda raw ang exposure at mas malaki ang bayad sa kanila, pero sa liit ng viewership diumano ng TV5, hindi rin naman daw sila makikilala nang husto roon, lalo na sa mga probinsiyang hindi nakaaabot ang malinaw na signal ng nabanggit na network.

Palagay namin, alam na rin nina JC at Chris ang ilang pros and cons ng kanilang desisyon. Pero, ang sa kanila ay long-range plans.

Bumubuo ng bonggang image ang TV5 at maganda na rin ‘yung sila ang nauunang mabigyan ng prayoridad dito. Hindi naman siguro magwawaldas lang ng pera si Manny Pangilinan kung wala ring mage-gain kahit paano ang mga artistang pinagkokontrata nila sa TV5.

In all fairness, si JC ay nakikita ang iba pang potensiyal sa Singko. Pati ang kanyang pagho-host ay napapansin na, na hindi basta magkakaroon ng katuparan sa GMA-7. Lalo na sa kaso ni Chris na mahihirapang basta mapansin. Kung ‘yun ngang mga datihan na sa GMA-7 ay parang hindi naman naggu-grow, lalo na siguro siya.

Mabuti sana kung hindi talented sina JC at Chris sa kanya-kanyang larangan, mas angat kaysa karaniwan ang maibubuga nila.

Kanya-kanyang diskarte na lang ‘yan, at kung saan mas katanggap-tanggap ang kanilang diskarte.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

5 thoughts on “JC de Vera at Chris Cayzer, nagkamali ng desisyong lumipat sa Singko?!

  1. KAYA KINASUSUKLAMAN KO ITONG SI GRETA MUKHANG MANGKUKULAM KASI GINAWAAN NILA NG PARAAN HINDI MA RENEW CONTRACT NI RUFFA SA DOS.NGAYON HINDI KO NAPAPANOOD ANG IDOLO KO PANGIT NG SIGNAL NG SINKO.PERO OKS NA REN PINAG UUSAPAN PA REN SIYA DI TULAD NI GRETA MUKHA NIYANG PANGET PINAG UUSAPAN.HIHIHIHIHI

  2. ikaw ang humanda darlin… hahahah

    at itatapon ka na sa dagat ng basura.. at sa gitna ng kalsada ka pupulutin… scum…

    hahah.. such a lose Money Villar-Arroyo….

Leave a Reply

Your email address will not be published.