JBC Composition, nagtatalunan Pa

KINATIGAN NG Korte Suprema ang hiling ng Kongreso na magkaroon ng oral arguments kaugnay ng dapat na bilang ng kinatawan ng lehislatura sa Judicial and Bar Council (JBC).

Matapos ang isang en banc session, itinakda ng Korte Suprema ang oral argument bukas, Agosto 2 kung saan si Associate Justice Diosdado Peralta ang mamumuno.

Layunin ng oral argument na matuldukan na ang gusot sa pagitan ng JBC at mga mambabatas, partikular na ang pagtatalaga ng nauukol na taong kinatawan ng Kongreso.

Maaalala na kamakailan lang ay nagpalabas ng resolusyon ang Korte Suprema na nagsasabing isa lang dapat ang kinatawan ng Kongreso sa JBC.

Taliwas ito sa kasalukuyan kung saan kapwa ex-officio member ng konseho sina Sen. Francis ‘Chiz” Escudero at Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr.

Una rito, hindi sinipot nina Escudero at Tupas ang huling araw ng JBC public interview para sa susunod na chief justice.

Kinuwestiyon din ng liderato ng Senado ang ginagawang proseso ng konseho na sumasala sa mga nominado bilang susunod na punong mahistrado kahit kulang ang panel.      (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.