JayR at Krista Kleiner, split na talaga!

UMALIS NA ang grupo ng Eat Bulaga nu’ng kamakalawa ng gabi para sa kanilang show sa San Francisco, California sa Sabado.

Nauna na ang ibang grupo at ang huling umalis ay sina Jose at Wally kasama ang ilang reporters na kagrupo ng Eat Bulaga.

Naloka kasi ako dahil ang dinig ko dalawang milyon ang bail na inilagak ng Eat Bulaga para makalabas lang ng bansa si Jose.

Tuwing lumalabas nga ng bansa ang mga dabarkads ng Eat Bulaga, may bail bond silang ibinibigay sa kor-te dahil nasangkot si Jose sa kaso ng asawa niya, ‘di ba? May hold order ito, kaya hindi siya basta-basta nakakalabas.

Dati kasi mga 300 o 500 thousand lang ang ibinibigay na bail. Pero nga-yon, umabot na ng dalawang milyon, kasi lumaki na itong gulo nila gawa ng kasong isinampa naman ng asawa ni Jose.

Masalimuot talaga ang buhay ni Jose, pero in fairness sa kanya, ang saya-saya niyang tingnan sa Eat Bulaga. Kaya gustung-gusto siya ng mga tao at ang dami pa ring sumusuporta at naniniwala sa kanya.

Kaya pala hindi sila nakakatanggap ng mga shows sa ibang bansa dahil kailangan mo pang magbigay ng malaking halaga na bail para sa kanya.

Bago umalis si Jose pa-Amerika, nag-submit muna ito ng counter-affidavit sa kasong Rep. Act 9262 na isinampa ng asawa niyang si Anna Lyn laban sa kanya. Hindi naman ito gaanong nagsalita dahil ipinaubaya na lang niya sa kanyang abogado.

Pero ang dinig ko, pagbalik niya galing Amerika ay magkakaroon uli ng hearing sa San Juan Prosecutor’s office at doon na raw sila maghaharap na mag-asawa.

 

ABANGAN N’YO pala sa Startalk bukas ang exclusive interview namin kina JayR at Krista Kleiner na kinumpirma na ngang magkahiwalay na sila.

Pero nakunan sila ng Startalk nu’ng kamakalawa ng gabi na magkasamang dumating sa Urban Music Awards ng Wave 89.1.

Iyon bale ang first public appearance nilang magkasama pagkatapos nilang mag-break. Nagulat nga si Jay R nang nakunan sila ng Startalk, at hindi ito gaanong nagsalita.

Inamin lang nila na break na nga sila, pero hindi na nila dinetalye ang dahilan ng break-up. Mahirap daw ang pinagdaanan nila, pero ginagawan naman daw nila ng paraan na maayos kahit maging magkaibigan na lang sila.

Umalis na rin sila kahapon ng uma-ga pa-Amerika dahil may show sila roon para sa GMA International. May mga commitments pa silang kaila-ngang tuparin kaya kailangan nilang magkausap para na lang sa trabaho.

Hindi rin nila masabi kung magkabalikan pa ba sila, pero sa ngayon ay inaayos nilang maging friends.

Ang duda tuloy ng iba, gimmick lang ‘yun kasi nakikita naman silang magkasama. Lalo na’t meron pang album si Krista na binuo ni JayR, at malapit na nilang i-launch ‘yun.

Pero mukhang totoo naman talagang nag-break. Basta panoorin ‘nyo na lang sa Startalk!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

8 thoughts on “JayR at Krista Kleiner, split na talaga!

  1. as in wala talaga akong naramdaman na kahit konting kilig factor man lang sa dalawang to!buti nalang at natauhan na sila…

  2. BUTI PA IDOL KONG MARIAN MALINIS NA TAO MATALINO NA MABAIT PA MAPAGBIGAY PA DYOSA PA NG KAGANDAHAN. OHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA. ACHECHECHECHE

  3. bakit kailangan pang ilathala ang dalawang unknown starlets? pati si jay r. hahahaha! who cares ba kung maghiwalay ang dalawang yan? kalevel ba nina papa p at kc sa pakikipagbreak? pwede ba!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.