JayR at Krissa Mae, umamin na!

Gaya nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, hindi na rin siguro kailangang tanungin pa kung ano ang real score kina JayR at Krissa Mae Arietta.

Sa GMA Anniversary celebration na ginanap sa Araneta Coliseum nu’ng nakaraang linggo, talagang hinintay pa ni JayR si Krissa Mae para sabay silang umalis pauwi.

Bago sila nakalabas ng Araneta, hinarang sila ni Butch Francisco para interbyuhin at hirap na hirap silang sagutin ang mga tanong ng Startalk host.

Heto ang takbo ng usapan nila at kayo na lang ang humusga kung ano nga ang namamagitan sa kanilang dalawa:

Butch: Where is the relationship right now?

JayR: We’re having fun.

Butch: What kind of fun?

Jay R: Just going out and dancing.

Butch: Where is this headed to?

Jay R: I don’t know. You know, like I said, we’re just hanging around, having fun. I don’t know if it’s official?

Krissa Mae: Why you’re asking me? ‘Di ba dapat ang lalaki ang dapat tanungin nu’n?

Butch: Your message to JayR…

Krissa Mae: I’m very glad to have you in my life.

Butch: Any response JayR?

Jay R: Wow! What can I say? I love you… hahaha!

Nagsimula nang mag-taping si Katrina Halili sa Rosalinda nu’ng nakaraang Lunes.

Natutuwa naman ang seksing aktres, dahil maganda naman daw ang pag-welcome sa kanya ng mga staff at na mga co-star nito lalo na sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann.

Tingin ni Carla magkakasundo sila ni Katrina at magiging close friends sila dahil nagkasundo raw sila agad na dalawa.

Niyaya na nga ni Katrina si Carla sa bahay nila para ipakita niya roon ang pinagawa niyang parang spa sa bahay niya na kumpleto sa gamit na pampaganda.

Nagpapasalamat naman si Katrina dahil maayos naman daw ang trato sa kanya ng lahat lalo na si Direk Maryo J. delos Reyes. Sa ngayon, gusto na raw niyang sa trabaho na siya magku-concentrate, dahil nasa korte na raw ang kaso at bahala na raw ang abogado niya roon.

Hindi raw siya uurong at never daw siyang magpapaareglo, dahil gusto raw niyang mabigyan ng hustisya ang ginawang pambababoy sa kanya ni Dr. Hayden Kho.

Hindi lang si Katrina ang bumalik sa trabaho kundi pati na rin si Maricar Reyes na protektado naman ng Star Magic sa ABS-CBN 2.

Marami ang nagulat nang nakita itong rumampa sa ASAP at napakaganda pa naman niya.

Hindi nga lang nagpapa-interview si Maricar at bawal daw itong pag-usapan sa taping niya dahil gusto lang nitong maging normal ang takbo ng buhay kahit kalat na kalat na ang iba’t-ibang bersyon ng mga sex video nito kay Hayden.

Special guest si Maricar sa May Bukas Pa at kasali rin siya sa Lovers in Paris nina Piolo Pascual at KC Concepcion, kaya suportado ito ng ABS-CBN 2 para makaahon naman siya sa eskandalong kinasangkutan nito.

Sana lumabas rin daw itong ibang babaeng nabiktima ni Hayden ayon kay Katrina para sama-sama silang labanan itong ginawang pang-aabuso sa kanila.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.