Jaymee Joaquin, mahilig mag-flirt?! – Eric Borromeo

NAKASUSUKA ANG INDIE film na Puntod. Pero hindi dahil sa pangit ang pelikula kundi dahil epektibong naipakita ni Direk Cesar Apolinario ang isang nabubulok at nanlilimahid na kapaligiran. Dalawang klase ng basura ang ipinamulat sa atin ng direktor dito: ang mga basura sa lipunan at ang mga basurang sumisira sa ating kalikasan.

Mismong ang isa sa mga bida sa Puntod na si Sheree ay may leksyon na natutunan sa pelikula. Kuwento niya, “Mula nang gawin namin ito, hindi na ako nagtatapon ng pagkain. Dati kasi, parang balewala lang sa akin. Ngayon ‘pag hindi ko nauubos, ipinababalot ko na.”

Limang araw na nag-shooting sina Sheree sa Isla Gulod, sa Vitas, Tondo. Pero sa lahat ng nagawa niyang pelikula, ang Puntod daw ang masasabi niyang pinakamakabuluhan. Kaya sa kabila ng hirap at sakripisyo niyang susuungin, tinanggap niya ang proyekto.

[ad#post-ad-box]

Bultu-bultong basura at masangsang na amoy ang kinaharap nina Sheree sa squatter’s area na location nila. Pero maganda naman ang kinalabasan ng pelikula.

Nadale pa ng dengue si Sheree habang ginagawa ang pelikula. Pero very professional ang sexy actress dahil kahit na nanghihina at mataas ang lagnat, tinapos pa rin nito ang last scene.

“Nagpaalam lang ako sa doktor ko, tapos nu’ng eksena, balik na ako sa ospital,” sabi pa ni Sheree.

Kabilang ang Puntod sa 11th Cinemanila International Film Festival. Last Friday, Oct. 23, nagkaroon kami ng tsansang mapanood ito sa isang special screening. Mula ito sa produksyon ni Arlyn dela Cruz. Kasama rin sa cast sina Barbie Forteza, Mark Gil, Pekto Nacua at Arnold Reyes.

LET’S BE FAIR with Jaymee Joaquin. Lumabas kasi dito sa Pinoy Parazzi na sa sobrang kalasingan, e nagwala ito sa isang event recently. Actually, sa launch party ‘yon ng apple vodka flavored party drink na The Bar na isa si Jaymee, kasama sina Jay-R Siaboc, Wendy Valdez, Joyce So at John James Uy, sa bagong endorsers.

Present kami sa naturang event. There’s lots of drinking involved dahil open bar until midnight. Lahat ay nasa party mode. Mapapasayaw ka talaga dahil maganda ang music. At lahat naman nang nandoon isa lang ang purpose: to enjoy the night and the free drinks!

‘Yung grupo nina Jaymee were asked by the organizer na pumunta sa dancefloor para maki-join sa mga tao. Punumpuno ang dancefloor. At hindi ka puwedeng magwala unless gusto mong mag-invite ng away sa mababangga mo. Lalong imposibleng mahiga ka sa dancefloor, unless gusto mong madurog sa mga apak ng mga tao.

Nasa VIP section kami, isang table ang agwat kina Jaymee, at doon ay panay ang biro ng model-actress kay John James. ‘Tini-tease’ niya ang male model. Pero it’s all for fun.

Kung may flirty image man si Jaymee dahil na rin sa pagpapa-sexy niya, sa ilang beses namin siyang nakausap, truth is, she’s a very intelligent person. At impressed kami sa kanya.

BLIND ITEM: MAY genital warts ang sexy actress at mismong ang on- and off boyfriend niya pa ang nag-advise sa kanya na magpagamot nito. Pero siguro ngayon, magaling na ang warts ng sexy actress. Kasi, kung hindi pa, malamang na nahawa niya ang young actor na na-take home niya sa isang party.

Bore Me!
by Erik Borromeo

loading...

2 thoughts on “Jaymee Joaquin, mahilig mag-flirt?! – Eric Borromeo

  1. sana naman eh wag na nilang isali sa international film festival ang mga ganyang klaseng movie. Gusto pa nilang ipakita sa abroad ang bulok o kahirapan ng pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.