Jaycee Parker, wala pang anak by Gorgy’s Park

NAG-TEXT SA AKIN ang dating Viva hotbabe na si Jaycee Parker na kung puwede tulungan naman daw siyang ayusin ang isyung may anak na ito.

Kamakailan lang ay umamin ang boyfriend niyang si Danilo Barrios na may anak na ito pero hindi naman nilinaw na iyun ay sa ibang babae.

Bago nagkaroon ng relasyon sina Jaycee at Danilo, may anak na ang binata sa ibang babae pero hindi pa niya ito inaamin sa publiko.

Ngayon lang ito inamin ni Danilo kaya tuloy ang buong akala ng lahat, anak niya ito kay Jaycee dahil matagal na ring hindi gaanong nakikita ang seksing aktres.

Pero nilinaw ni Jaycee na hindi pa siya nabuntis. Hindi raw siya ang nanay ng anak ni Danilo pero malapit naman sa kanya ang bata.

Kaya lang naapektuhan daw ang trabaho ni Jaycee dahil ang buong akala ng karamihan, nagkaanak na ito.

May mga ilang raket daw siyang kinansela dahil parang hindi na raw bagay sa isang nanay, kaya nakiusap si Jaycee na sana linawin naman daw na wala pa siyang anak, at hindi siya ang nanay ng anak na inamin ng boyfriend niyang si Danilo.

Di ba dapat si Danilo ang magsalita para malinaw ang lahat?

TOTOO KAYANG NAGKAKALABUAN na sina Jolo Revilla at Lovi Poe?

Makahulugan ang mga sagot ni Lovi na na-realize daw niya ngayong mas kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang trabaho kesa  sa lovelife.

Nandiyan pa naman daw si Jolo at okay naman daw sila as friends pero bihira na raw silang nagkikita at nagkakausap. Pareho naman daw silang busy kaya wala na sila gaanong panahon sa isa’t isa.

Ilang beses naming tinatawagan si Jolo pero hindi ito sumasagot. Umiiwas itong mag-comment sa isyung iyun.

ANG AGANG NAGPA-CHRISTMAS party ni Manny Pacquiao sa movie press nang magpa-presscon ito nung kamakalawa lang para sa bagong sitcom niya sa GMA-7 na Show Me Da Manny.

Kumpleto ang cast at siyempre ang leading lady niyang si Marian Rivera pero ang hinihintay ng reporters ay ang pa-raffle nito ng datung na ipinangako niyang lahat ay hindi uuwing luhaan.

Tama nga dahil kahit ang mga hindi nabunot ay may inabot pa ring tig-P3,000  kaya sa dami ng mga movie press na dumalo, umabot ng 300 thousand pesos ang ipina-raffle nito.

Bilang pasasalamat daw niya iyun sa suporta sa kanya ng movie press at kailangang i-share din daw niya ang mga blessings na dumating sa kanya.

Mas kumportable daw si Manny dito sa sitcom niyang Show Me Da Manny dahil parang naglalaro lang daw sila sa set.

Natural na komedyante si Manny, ang komento ng mga co-stars niya kaya ang bilis daw nilang nakatapos sa taping at magaan ang samahan nila dahil halos lahat naman sila ay magkakaibigan.

Tinupad ni Manny ang pangako niya sa ibang mga kaibigang gusto nitong tulungan kaya kasali sila sa sitcom na iyun.

Kay Onyok Velasco na naging malapit kay Manny ay all-out ang tulong sa kanya ng ating Pambansang Kamao kaya napasali rin sa sitcom na iyun. Pati si Lito Camo na close din kay Manny ay kasali rin doon at siya nga ang gumawa ng theme song ng naturang sitcom.

Tanda rin nina Benjie Paras at Paolo Contis na pinangakuan sila noon ni Manny na isasali sila sa mga project nito kaya kasali rin sila.

Sa Linggo na magsisimula itong Show Me Da Manny na mapapanood sa GMA-7 pagkatapos ng All Star K.

By Gorgy’s Park

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.