Jaya, napikon sa mga biro ni Vice Ganda?!

BLIND ITEM: BAGO mag-eleksiyon, pinagdasal ng TV host sa Baclaran at Quiapo Church na ‘wag sanang magwagi ang kumandidatong actor/ politician sa isang siyudad sa Metro Manila.

Kaya lang, hindi ‘yata dininig ng nasa Itaas ang panalangin ni TV host dahil overwhelmingly ay nagwagi si actor/politician na matagal na niyang nakatampuhan.

Ngayon naman, medyo bumibigay na raw ang TV host at nagpapahanap daw ng padrino para makipag-meeting sa nagwaging actor-politician.

Ang dahilan? May malaking project daw kasi ang TV host sa naturang siyudad na siguradong magpapabango sa kanyang pangalan sa history ng entertainment industry kaya ngayon, kahit kainin na lang ng sikat na TV host ang kanyang pride ay gagawin niya para lang matupad ang kanyang matagal nang dream para sa industriya.

Ewan lang namin kung pagbibigyan siya ng nagwaging actor/politician kung sakali pero alam naman natin na sa showbiz, walang permanenteng kaibigan o kaaway kundi permanenteng interes lamang.

Naku, hindi na siguro kailangan ng clue dahil baka makatulog lang kayo kung mag-e-effort pa kayo sa pag-iisip… getz?

EWAN KUNG TRUE pero isang production staff sa Araneta ang nagsabi sa amin na medyo napikon daw si Jaya kay Vice Ganda sa kanyang mga biro on-stage sa nakaraang successful concert ng stand-up comedian.

Isa kami sa nasa front row that night at heto ang mga napansin naming jokes ni Vice kay Jaya.

Sabi ni Vice, black is beautiful but too much black is charcoal. Sabi pa ni Vice, sobrang ganda raw ng boses ni Jaya na parang nananakot lang. Tungkol naman sa kagandahan, hindi na raw babanggitin pa ni Vice ang obvious kaya ayaw niyang magsalita tungkol sa outer beauty ni Jaya na parang sinasabi niyang hindi ito pretty.

May huling hirit pa si Vice nang niyakap niya si Jaya at naamoy niya ang perfume nito na parang may gini-grill ang amoy.

Sabi ng nakatsikahan naming staff, nakarinig daw siya ng one-liner kay Jaya sa dressing room against Vice dahil sa mga birong ‘yon. Pero kung kami ang tatanungin, sana, e, ‘wag niya ‘yong seryosohin .

Stand-up comedian si Vice at sana, e, in-expect na niya ang ganu’ng mga hirit nang sumabay siya sa stage sa naturang komedyante dahil isa ‘yon sa mga nagustuhan ng audience sa kanya. Kaya kung totoong napikon  at nag-one liner ang Soul Diva, e, konsensiya na lang niya ‘yon… he,he,he!!!

HETO, HUH! Just asking lang naman. Kilala kasi ngayon ang Kapatid TV5 na nagbibigay ng times 3 na talent fee sa mga artistang kinukuha nila galing sa GMA-7 and Channel 2.

Ngayon, malakas ang tsika na sa Singko babagsak si Willie Revillame at ang lumalabas din na kuwento, e, tumataginting na P25-M a month ang kanyang kinikita sa Dos via Wowowee.

Kung titingnan natin ang trend sa TV5 at kung mako-confirm na lilipat si Papi sa Kapatid Network, ibig bang sabihin nu’n, e, puwede siyang kumita ng P75-M a month? Wowowee naman talaga ang TF na ‘yon kung sakali, huh!

At kung ganu’n nga ang mangyayari, aba, e, balewala nga talaga kay Papi kahit iwanan niya ang Dos dahil tuloy pa rin ang kanyang maliligayang araw kapag nagkataon. Aba, hindi biro ang kumita ng P75-M a month, huh!

Kung sakali, balato naman diyan, Papi!

For reactions, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

23 thoughts on “Jaya, napikon sa mga biro ni Vice Ganda?!

  1. yan tlagang kabaro ko hayyy puro panlalait yng kabayong yn…wlang gnawang mganda pra lng sumikat sya kya laiitin pg mumukha nyang kabayo…babagsak krin…kung aalis man c willie sa abs cbn ikaw ang susunod sa yapak nya…cheeeee…

  2. Pikon ay laging TALO hahha!! totoo naman si Vice nakaktakot boses nya lalo pag kumakanta bwuahahaha trying hard!!

  3. LAGING WAGI SA RATING NGAYON ANG WOWOWEE, 3 DAYS STRAIGHT NA, NUNG TUESDAY MAS MATAAS PA ANG RATING NILA SA SHOWTIME.. ALIW NA ALIW NGA YUNG MGA CO HOST NI ROBIN NOH? SINUNGALING NAMAN YUNG ISANG PRO-WILLIE YABANG DIYAN!! WALA NA SI PAPI, AKALA NIYA HAHABULIN SIYA NG DOS, ANG LAKAS PA NG LOOB MAGBIGAY NG ULTIMATUM SA MGA BOSSING NIYA? ANO SIYA, DIYOS? GAGO SIYA!

  4. si kuya germs! walang tulugan! nagpapagawa sya ata ng theater at nanghihingi sya ng donasyon para sa mga upuan na umaabot ata ng more or less 2k

    • hindi.. ung balak gawin ni kuya germs eh ung gumawa ng parang hollywood sa qc. sinangayunan ito ng nakalaban sa mayorial race ni bistek na si mike defensor kaya siya ang sinuportahan ni kuya germs. kaso natalo si defensor.

  5. Ngayon pa lang nagsisimula kala mo kung sino na.. I am sure konti pa mas mayabang pa yan kay Willie! Dapat matuto syang mangilag.. Kapal ng mukha nya mag guest sa Sharon.. Mas galangin nya si Sharon kesa kay Kris! Epal sya!

  6. OBSERVE : Si Robin ang inilagay for 2 weeks dahil alam ng Wowowee Management na hindi naman talaga marunong maghost, though popular sa masa. Para kasi mapansin ng tao na totally boring and unjust ang show, at magpasiya ang public na mas okey pa pala si Willie. Watch Mariel, Valerie,RR iritang irita na sila sa pag hohost, mahirap kasing dalhin si Robin, pare- pareho silang po opo maririnig. Si Pokwang, masyadong hyper naman. The new chic hosts etsa puera, lalo na si Carmen So, ‘coz no english si Robin. Intentionally, hindi talaga sila kumuha ng magagaling na host till expiry of the Wowowee contract. Kaya mapapansin nyo, baka till Dec. 2010 puro temporary host lang makikita nyo, at hindi mga professional. At possible, ibabalik si Willie till expiry nga. Di basta basta basta mateterminate si Willie coz may kontrata nga, magkakaroon ng breach of contract just in case tsiguhin siya. And that’s it, As you can see it now. Nothing against Robin, he’s just accepting the job. Tricky???!!.. hmppp…tsk tsk tsk… Reliable Sources

    • DI MO BA NABABASA MGA BALITA?!@#%&*!!!,
      GAGAWA NGA AKO NG SARILING TV NETWORK. ANONG PAKIALAM MO..EH.. SA NAUMAY NA AKO SA PERA EH!.. WALA NG LASA PERA SA AKIN..NAKAPRINT TONG MGA SINABI KO SA PEP MAG. PUEDE NA AKONG MAMATAY DAHIL NAABOT KO NA ANG PINACLE OF LIFE. PUEDE NA AKONG MAGRETIRE FOR LIFE. LAKING CASH NAKUHA KO KAY VILLAR KASI, A COOL 30+ MILLION. PURO DRAMA LANG YONG KAY SUCALDITO, PARA NAMAN MAY GRACEFUL EXIT AKO SA ABS, AYAW AKO PAKAWALAN DAHIL SA LAKI NG KITA ABS SA AKIN. PAG MERON NA AKONG SARILING NETWORK, DI SA AKIN NA PUNTA LAHAT PERA. GET’S MO NA? KADRAMAHAN KO LANG NAMAN SA MGA OLDIES AT SPECIAL CHILDREN YONG NAKIKITA NYO SA TV PARA MAKAAKIT AKO NG MASA. AND I DONT CARE WHAT EVER YOU SAID. ATHEIST AKO AT WALANG PAKI KAHIT NINO MAN. BASTA MAHAL AKO NG MASA,period.
      Sa totoo lang , wala na akong ganan sa wowowee, masyado ng bakya, nakakababa ng klase ng tao..

  7. MAGANDA SI JAYA IN FAIRNESS

    SARAP PUMASOK NG MAAGA SA PArazi walA pA YUNG SIRANG ULO NA SI LOVE IT/LANE/ NADAGDAGAN NA SIYA NGAYON AS IN GABBY AT lol waaaaaaaa………LOVE IT.MASAMA SA KALUSUGAN IYAN 24 HOURS SA PC AT TYPE NG TYPe AGAINTS NOYNOY HIHIHIHI HINDI AKO MAKA NOYNOY DI AKO BUMOTO..OUT OF TWN BEAUTY KO

    • KAWA NAMAN PALA SI damage face of alien retoke greta bareto… awang awa ako sayo hinihintay mo pala palagi ang aking post, di no. 1 fans na pala kita ipagpatuloy mo yan hija. pero one thing is tapos na ang eleksyon move on.

      ikaw na rin ang nagsabi na 24 hrs ka diyansa pc mo, how cheap pc lang ang gamit nya at ipinagmamalaki pa na out of town ang beauty nya.

  8. ALANG SINABI ANG SINKO.HINA NG SATTELITE NILA.DI KA NA NAMIN KAILANGAN WILLIE.MAGPA PLASTIC SURGERY KA MUNA.

  9. let willie go,,sya na din nagsabi-di nya nami-miss ang wowowee..ang tanong- nami-miss ba sya ng mga viewers? looks like madami ng may ayaw sa kanya..no prob naman in jumping into another station-ang tanong sasama ba ang followers nya?

    • b.i. tv host – german moren / actor-politician herbert bautista remember like ni kuya germs gawing city of the stars ang QC? kya lang di yata supportive dito si bistek….kaya ayon sumama ang loob nya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.