Jaya, gustong maging hurado sa Showtime!

ALAM N’YO BA na maliliit pala ang mga kamay ni Billy Crawford? Hindi naman halata, kasi, mukha naman ang kitang-kita sa TV, hindi ang mga kamay. Pero hindi naman ito naging insecurity ni Billy.

Dahil katuwiran nga ng young singer-TV host, “Maliliit nga mga kamay ko, pero ‘yung ___ ko, malaki. Hindi nga sila nagko-compliment, eh!”

Fill in the blank na lang kayo, ha?

ACTUALLY, MERON KAMING isang babaeng nakausap na pinatotohanan ang sinabi ni Billy. “Ay, kuya, malaki talaga!”

Kung sino ang nagsabi nito? Malalaman n’yo sa pagbabalik ng… The Buzz!

MUNTIK NANG MASAGASAAN si Piolo Pascual habang siya’y nagdya-jogging! Juice ko, nakakalokah, ‘no? Nagdya-jogging ka para lumakas pa lalo ang katawan mo at manatili kang malusog, tapos, mahahagip ka lang ng rumaragasang sasakyan?

Ang ending, namatay kang malusog.

Gusto n’yo ba ‘yon?

Mabuti na lang, si Papa P, endorser siya ng Sunlife Canada kung saan nakaseguro ang kanyang buhay para sa kanyang maiiwang pamilya.

Oy, baka maniwala kayong muntik masagasaan si Papa P, ha?  ‘Yun kasi ‘yung message ng TV commercial niya. Hehehe.

PAGANDA NANG PAGANDA, patindi nang patindi ang mga eksena sa Magkaribal. Ito ang klase ng teleserye na kahit nag-i-Inglesan ang mga characters ay intinding-intindi ng mga manonod, lalo na ng masa.

At ang nakakalokah pa, ilang artista ng GMA-7 ang nakakausap namin na ayaw magpa-quote, pero umamin sa aming sinusubaybayan ang teleseryeng ito nina Bea Alonzo at Gretchen Barretto.

Me gano’ng factor?

Matatapos na ang Diva, di ba? So, ito bang si Jaya ay puwede nang mag-guest sa ABS-CBN? Noon pa ay pinanonood na ni Jaya ang Showtime, at sa totoo lang, gustong maging guest judge ni Jaya, dahil sobrang favorite niya si Vice Ganda.

Ang tanong ni Jaya, “’Yan ay kung papayagan ako ng GMA-7?!”

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station sa radyo at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn. siyempre, kasama namin diyan sina Ms. F., Fwend Rommel at Daddy Eric Borromeo.

‘Yan ay kung type n’yo lang namang maaliw.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

9 thoughts on “Jaya, gustong maging hurado sa Showtime!

  1. Itong Jaya magiging Regine Velasquez II. Nagpaparinig sa ABS. Huwag ka sanang mabutata sa wish mo at gagapang ka ring pabalik sa GMA 7 gaya ni regine. Napahiya siya ng husto. Hindi na makuntento. Sige lipat na.

  2. kapamilya aq per0 s0bra ng 0A mga fans ng kimerald juzk0 pra kaung mga baliw……fan din aq nina kim at gerald per0 hindi ung kgya ng mga iba na handa atang mkipagpatayan pra sa mga idol nila…kbaliwan PAK!!!!

  3. From Kim_World

    [kim_world] our stand… and it hurts…Full View
    From: Donna Cortez Add to Contacts
    To: kim_world@yahoogroups.com

    ——————————————————————————–

    This is to break our silence…

    Alam nyo naman na hindi kami basta mapagpatol sa mga issues… lahat ng bagay binabalanse namin before kami maglabas ng opinion namin, transparent kami that we’ll support them sa lahat ng projects nila together or individual man yan… in fact, everytime na ****** ng nega ang issue naglalabas kami ng statement namin kung anu ang alam namin, coz we trust and have faith on them… na madalas na c anderson ang involve… we defend him sa abot ng aming makakaya para maliwanagan kayong lahat…

    WE LOVE KIM and WE LOVED ANDERSON for who they really are, not because of what they are in reel and real life…

    pinag isipan at pinag usapan namin ito ng husto at masinsinan at napakasakit man para sa amin pero we came to this decision:

    as a moderator and on behalf of all d kw execs, we are withdrawing our support to GERALD RANDOLPH OPSIMA ANDERSON, JR. from this moment…

    we’re not into the loveteam issues nor to their personal life and decision… sad to say mas may malalim at matinding reason kaming pinanghuhugutan. .. na hindi na kailangan pang i-elaborate. ..

    we’re not forcing anyone to stay or makisimpatya sa amin, karapatan nyo yan kung aalis kayo dito sa yg… wala ring sinuman ang may karapatang magcondemn sa decision namin… we are entitled to our own decision… walang tama o mali sa atin, it depends sa paninindigan natin…

    ang tanging magagawa namin / natin is to show our all out support for KIMMY… and pray na sana wag lang c kim ang laging ipinahaharap sa media…

    GOD BLESS US ALL!

    ————————————————————————————————————————————

    statement ng KIMERALD WORLD dati…. ngayon KIM WORLD NA LANG…. KIMERALD BAO’s dati ngayon KIMBAO’s na lang……..

    • GO! N0w NA! Di naman kayo nagpapasahod kay GERALD,sobrang narrow-minded, nakalimutan siguro na fan lang sila, at tao lang ang id0l nila, wag nyong diktahan ang puso ng may puso

  4. Feeling ko, kuhanin lang ng abs cbn si Jaya, bibigay talaga sya eh. Imagine, kapuso sya pero show ng kapamilya ang madalas pinapanood nya.. Like nung buntis sya, instead na SOP panoorin nya, ASAP pala pinapanood nya kaya alam nya kung bakit mataas ang ratings ng ASAP compared to SOP. now naman, SHOWTIME pala pinapanood nya instead of DIZ IZ IT. Kaloka ka Jaya. mag paramdam ka kasi sa abs na gusto mo lumipat doon eh.

    • Ganun naman talaga, ung ibang kapamilya stars, nanonood ng palabas ng Siete at ang mga kapuso, nanonood din ng shows ng Dos. Certified Kapamilya ako pero nanonood rin ako ng ibang show ng GMA Pinoy TV lalo pa at mas maganda ito kaysa katapat na show sa Dos. Pero para sa akin, mas magaganda pa rin ang mga shows sa Dos.

Leave a Reply

Your email address will not be published.