Jay-R Siaboc, takot bumalik sa hirap!

NAKAKAGULAT, MALAKI ANG pagbabago sa physical looks ni Jay-R Siaboc, physically fit na uli siya ngayon. Palibhasa walang TV assignment, lafang to death ang inatupag kaya mabilis ang paglobo ng kanyang katawan. “Thirty pounds ang nawala sa akin, sobrang taba ko before, putok-putok na ‘yung mga damit ko. Nagparamdam na nga sa akin ang Star Magic management kaya pinilit kong magbawas ng timbang. Happy ako sa naging resulta, naging magaan uli ang aking pakiramdam.”

Okey raw ang sex life mo kaya ka tumaba, how true? “Active, inactive… hindi pare-pareho, dapat masaya lang sa buhay. Kung sino ang dumating… dapat maging cool ka lang palagi. Kung ano ang mangyayari, cool din, masama man o maganda, cool pa rin.”

Kaya raw hindi binibigyan ng project ng Kapamilya network si Jay-R ay dahil may attitude problem ito. Palagi pang late sa taping kaya napilitan itong tanggalin sa Payatas project. “Hindi po totoo ‘yun, ang totoo po n’yon hindi pa final ang cast so, ibig sabihin, puwedeng magbago. Actually, sa isang taping kahit ini-air na puwede pang palitan, mga ganu’n. ‘Yung sa akin, ‘yung issue na ganoon, hindi talaga totoo ‘yun. Wala akong magagawa kung may mga negative issue tungkol sa akin. Basta ang sa akin, kami mismo ng production at executive producer, alam namin kung ano ‘yung totoo. May mga nangyayari minsan na hindi mo maiiwasan.”

Pero minsan naging pasaway ka? “Hindi po ako naging pasaway, gustung-gusto kong magtrabaho kasi ayaw kong maghirap… bumalik sa hirap. Kung minsan, masasabi mong it helps na napag-uusapan ka kahit may pagka-nega ang naisusulat sa ‘yo. Kahit wala ako sa TV, nand’yan naman ako sa diyaryo.”

Kasama si Jay-R sa grupong VoizBOYS at ang kanilang debut album, ang “Fusion.” “This time, magko-concentrate muna si Jay-R sa singing as member of VoizBOYS with Guji Lorenzana, Nico Antonio and Tom Rodriguez. “Sa ngayon ito muna ang ibinibigay nila sa akin so, dito ako focus. Kung may ibibigay namang project na soap, tatanggapin ko. Siyempre, kahit papaano napamahal na rin sa akin ang akting.”

Dumating kaya sa point na sumama ang loob ni Jay- R na napasama siya sa group ng VoizBOYS, to think na nakagawa na rin siya ng solo album. “Hindi po, hindi pa ako karapat-dapat na magganu’n… wala pa akong napapatunayan so, never kong inisip ‘yung mga ganu’ng bagay. Ang mahalaga po, masaya kami sa ginagawa namin. Walang sapawan, enjoy lang para lang kaming magbabarkada, ini-enjoy ang pagkanta.”

PINAGPIPILITAN NI JAKE Cuenca na hindi naging sila ni Melissa Ricks kaya wala siyang pakialam kung si Jolo Revilla na ngayon ang boyfriend ng dalaga. Palagi niyang sinasabi sa mga interview na friends lang talaga sila kaya ayaw niyang mag-comment tungkol sa naging relasyon nila ng dalaga.

Kahit walang pag-amin kina Jake at Melissa, alam nating may namuong romansa sa kanila. Hindi lang malinaw kung ano talaga ang mabigat na dahilan ng break-up. Hindi totoong si Jolo ang naging dahilan para magkasira ang dating mag-syota.

Sa takbo ng pangyayari, parang hindi apektado si Jake kung may bagong lalaki ngayon ang dati niyang ex-girlfriend. After ng hiwalayan ng dalawa, biglang pasok sa eksena si Jolo na very vocal sa tunay niyang saloobin sa actress. I’m sure, tinawagan ni Melissa si Jolo para i-share ang nangyari sa kanila ni Jake. Tumigil na nga ito sa pangliligaw, pagbibigay ng mga mamahaling regulo nu’ng time na naging malapit sila sa isa’t isa habang ginagawa nila ang Agimat. Nang malaman ng young action star na mag-dyowa na nga sina Melissa at Jake tumigil na ito sa panliligaw.

Kung noon patago ang pagkikita nina Jolo at Melissa, pati ang panonood ng sine sa Greenhills, ngayon ay very vocal sila sa tunay nilang damdamin sa isa’t isa.

Kahit walang pag-amin kina Melissa at Jolo alam nating may namuong romansa sa dalawa. Hindi nga lang malinaw kung ano talaga ang mabigat na dahilan ng kanilang break-up. Ngayong nagkakamabutihan na sina Jolo at Melissa, hanggang kailan naman kaya tatagal ang MU ng dalawa?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Jay-R Siaboc, takot bumalik sa hirap!

  1. ang gulo naman ng writer na to. wala ba kayong proofreader or editor na nagchichek ng pinagsusulat ng mga writer kuno na ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.