Jay-R, aminadong stage boyfriend kay Krista Kleiner

KAMAKAILAN lang ay nagka-minor accident ang award-winning film director at isa sa resident directors ng Maalaala Mo Kaya na si Direk Jeffrey Jeturian.

Ayon sa aming source, noong araw na ‘yun ay papunta si Direk Jeffrey sa kanyang meeting with Robbie Tan, isa sa in-charge sa Cinemalaya Independent Filmfest 2011, kung saan siya may film entry (entitled Bisperas), nang dumaan muna si Direk sa Security Bank – Tomas Morato Branch, upang mag-withdraw.

“After mag-withdraw ni Direk Jeffrey sa kanyang bangko, nu’ng pabalik na siya sa kanyang kotse, eh nadulas o nadapa siya along his way.

“May na-miss out itong isang step, kaya ayun, bumagsak siya at humampas ang kanyang mukha sa isang bato, sa bandaang itaas ng kaliwang pisngi niya ‘yung napuruhan ng sugat.

“May napadaang isang stranger na lalaki na nakakita ng aksidente, at humingi rito ng tulong si Direk.”

Mabilis naman daw tumugon sa pagsaklolo ang lalaking ‘yun, na siyang tumulong sa pagsugod sa emergency room ng Capitol Medical Center na pinakamalapit na ospital sa area.

“Inoperahan agad ito, tinahi ng 22 stitches,” kuwento ng aming informant, na nagbalita rin sa amin na after a few days na okey na ang pakiramdam ni Direk Jeffrey ay natuloy na rin ang meeting nito with Robbie.

‘Eto na ang nakakatuwa sa kuwento na parang “indie film” ang eksena – ang stranger na lalaking ‘yun ay naghahanap ng trabaho. As in walang work.

Nagkataong may kamag-anak (Ka-patid?) si Direk Jeffrey sa Arlington Funeral Homes sa Araneta Ave QC, at si Direk naman ang nagbalik ng kagandahang-loob upang makapasok ang lalaking ‘yun ng trabaho sa nasabing funeral homes.

Anytime soon ay makakapag-resume na si Direk ng kanyang shooting ng Bisperas kung saan ka-join sa cast sina Tirso Cruz III, Racquel Villavicencio, Julia Clarete, Jennifer Mendoza, among others.

AMINADO ANG R&B prince na si Jay-R na “stage boyfriend” siya sa jowang si Krista Kleiner, pero may dahilan naman daw ito. Aniya, mas matagal na siya sa industry kesa kay Krista, kaya gina-guide lang daw niya ito sa ilang certain decisions coming her way.

“I think I am a stage boyfriend,”  say ni Jay-R sa Valentine concert presscon nito, ang Soulmates na gaganapin ngayong gabi, Biyernes, February 11 sa The Establishment sa The Fort, with Kyla.

“I just wanna give my two cents’ worth. I’ve been in the business for quite a while now. Gusto ko lang ‘yong tama lang din para sa kanya. Just based sa mga experience lang.

“May career naman talaga siya sa showbiz, e. Regular naman na siya sa SOP before. I’m just here for extra support lang. I wouldn’t say that I am the reason why she has a career, di ba?”

Sinabi ni Jay-R na matalino naman daw ang GF at siya’t andito para lamang sa kanyang mga opinion. At hindi raw siya ang dahilan kaya unti-unting pinapasok na ni Krista ang showbiz.

Pagbibigyan  nina Jay-R at Kyla ang requests ng kanilang fans na mag-restage ng Soulmates concert nila ngayong gabi, na more on love songs ang ihahataw ng dalawang R & B artists na kapwa mga alaga ni Arnold Vegafria under ALV Talent Circuit.

As for Kyla, deadma lang ito sa mga taong naninira sa kanya sa Twitter na may foul at “personal” na mga tira sa kanya sa Twitter.

“I really don’t have any idea kung sino ang gumagawa noon.  God bless na lang sa kanila, hindi naman ako affected.  Salamat pa rin sa mga fans na nandiyan lang for me,” say ni Kyla.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

One thought on “Jay-R, aminadong stage boyfriend kay Krista Kleiner

  1. Pingback: Lastest Hindi Songs News | Spinner News

Leave a Reply

Your email address will not be published.