Jay-Jay Helterbrand, ‘di seryoso kay RR Enriquez?!

GAANO KAYA KATOTOO ang chika sa Sportz-Bizz hinggil sa relasyon ng basketball player na si Jay-Jay Helterbrand ng Barangay Ginebra at ang host ng Wowowee na si RR Enriquez ay hindi seryoso. Bagamat nagkahiwalay kuno ang player at ang 4-year girlfiend niyang American-Chinese na si Ms Eunice dahil kay RR, patuloy pa rin ang pagmamahalan ng player at ng American-Chinese. Katunayan, sinabi nga ba ng basketbolista na hindi siya seryoso sa host. Kundi siya seryoso, bakit lagi itong pumupunta at pinapasyalan si RR sa show ng Wowowee na tumutuloy sa dressing room mismo ni RR.

Panay pa rin ang chat nina Jay-Jay at Eunice sa Facebook. Tsika pa sa Sports-Bizz, nagkabalikan na nga si Helterbrand at ang GF nito. No doubt kung bakit nakapagsasalita si Ms. Eunice sa mga kaibigan ng player na mahal na mahal pa nila ang isa’t isa dahil ito ang sinasabi ng boyfriend niya sa kanya.

Ano kaya ang masasabi ni RR Enriquez na hindi seryoso ang basketball player sa kanya, samantalang mukhang seryoso ang host sa mama na kada laro ng Ginebra ay napagkikita ito. Minsan pa nga ay nakakasama siya ni Valerie Concepcion na nobya naman ng player ng San Miguel na si Dondon Hontiveros.

Si RR Enriquez ay laging nakakasama ni Helterbrand sa mga gimikan with barkadas.

Pagkatapos masungkit ni James Yap ang Best Player of the Conference at Finals MVP, nakatuon ngayon ang pansin niya sa pagbubukas ng 2nd conference.

Sa mga intriga hinggil sa kanyang asawang si Kris Aquino, hindi siya nakikialam hangga’t ‘di nasasaktan physically si Kris sa mga kumakaaway sa kanyang asawa. Pagdating sa career ni Kris, tahimik lang si James kasi alam ng player na kayang harapin ng host/actress ang mga intrigang dumarating dito.

Happy si James sa magandang samahan nila ni Kris, at inamin niya na totally mahal na mahal niya si Kris at ang kanyang mga anak. Very proud father ang player sa pag-aartista ni Baby James. Ayon sa kanya, huwag lang masyadong mapupuyat ang bata baka kasi hindi na ito lumaki. Kung ano ang gustong maging ni Baby James, ‘yun ang susundin nila. “Pero mas maganda sana kung maging katulad ko siyang player. Nakikita ko sa kanya, more on acting ang gusto niya,” ani James.

Alam ba ninyo na na ang sapatos ni James Yap ay may 40 pares, ang mga sligthly used niyang basketball shoes ay ipinamimigay niya sa baguhang players ng UE warriors. At ang paborito niyang kulay ay ang black, pink at yellow at ang favorite na kakanin ay biko.

NALIPAT NA SA Burger King itong si Rich Alvarez. Dati naman siyang nasa Air21 Express na ngayon ay kilala nang Burger King. Speaking of Rich Alvarez, how true na niyayaya na pala niyang magpakasal sila ng kanyang long time girlfriend, ang singer na si Kyla? Ang totoo niyan, nagpapagawa na ng bahay sina Rich at Kyla. Malapit na nga ba itong matapos? Alam ba ninyo na first boyfiriend ni Kyla ang basketball player na ito?

Samantalang si Rich naman, bago dumating sa buhay niya ang singer ay my Gf siya since college days sa Ateneo. Kung hindi ako nagkakamali, isang sundalo ang dati niyang GF. All of a sudden, nang makita ni Alvarez si Kyla sa isang concert, na-inlababo ang player at ‘di na niya ito tinantanan hanggang sa makuha ni Rich ang matamis na ‘oo’ ni Ms. Kyla.

Every game naman sumusuporta si Kyla kay Rich, sayang nga lamang at hindi gaanong nabibigyan ng breaks si Alvarez sa mga teams na napupuntahan. Unang naging team niya ay ang Red Bull, then napunta siya sa Air21, pagkatapos ay sa Brgy. Ginera, then balik siya sa Burger King.

Tsika sa Sports Bizz, posibleng next year ang planong pagpapakasal nina Rich at Kyla.

SA PAKIKIPAG-ISA NG PBA at ng Burlington, nakatakdang magkaroon ng Annual Kiddies Summer Basketball Clinic na magsisimula sa March 20, sa ganap nang alas-11 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon, kung saan gagawin ito sa Ali Mall, na pamamahalaan ni coach Norman Black. Mayroong seven sessions ang naturang clinic at ito ay bukas para sa mga batang 6-12 years old.

Sa mga interesadong magpa-register, pumunta lamang sa PBA office na may telepono blg. 4702668-69. Sa mga lalahok, bumili lamang kayo ng mga produkto ng Burlington.

Ang iba pang schedule ng PBA Kiddies Summer Basketball Clinic ay sa March 27 (Sabado – Ali Mall, 11am-1pm), April 6 (Martes – Ali Mall, 11am-1pm), April 10 (Sabado – SM Marikina) April 17 (venue to be announced) April 24, (Sabado – Puerto Princesa, Palawan) at sa May 1 (venue to be announced).

loading...

12 thoughts on “Jay-Jay Helterbrand, ‘di seryoso kay RR Enriquez?!

  1. Npaka sersoyo ni jayjay para pumatol kay rr…. Tsaka pamilyado tao si jayjay no may anak na po xa at asawa.. Ibig sabihin pumapatol c rr sa may asawa… Stick to one lng c idol jayjay no…

  2. RR si so cheap! Jay is a nice guy and he is not a showbiz person paki confirm muna kung sino ba talaga ang naghahabol, baka naman yung babae!

  3. Naku namn itong si lalaki wag maxadong mafeeling at hindi ka kagwapuhan/…. Epal… haaaahaaaa
    Eh ang ganda ganda ni rr… Mukha lang siyang walang laman ang utak pero suppeerrrr responsible siya…
    un lang nmn,…

  4. shell po unang team si alvarez, then alaska, then ginebra then burger king

    Shell Turbo Chargers po unang team ni rich,then Alaska Aces tpos Red Bull Barako tpos Purefoods Tender Juicy Giants tpos Ginebra Gin Kings tpos ngayon Air21 po.

Leave a Reply

Your email address will not be published.