Jason, pinaiyak kaagad si Melai!

Hot na hot ngayon ang mga PBB Double Up Big winners dahil halos lahat yata ng sambayanang people ay nanood ng Big Night noong Sabado. Nakakaloka ang naging ending ng resulta dahil noong Martes lang ay si Paul Jake ang nangunguna sa botohan at pangatlo lang si Melissa. Pero si Melai ang nagwagi at lumamang ng halos 200,000 text votes! Grabe ha, gumastos talaga ang mga fans ng Melason para maiangat ang kanilang pambato. Pati mga kaibigan namin na nanood sa kanilang telebisyon ay walang tigil daw ng pagti-text. Pati nga ako, e, bumoto rin kay Melai!

Ang guesting nila sa The Buzz noong linggo ay kontrobersiyal na agad. Dahil bukod sa kanilang kauna-unahang TV interview pagkalabas ng Bahay ni Kuya, sinabi ni Jason na umiyak daw agad si Melai nang makita niyang halikan ng isang babaeng fan si Jason nang magpakuha ito ng litrato. Nagselos daw si Melai at umiyak sa backstage ng studio. Hindi na naka-react pa si Melai sa isyung ito pero kitang-kita naman na nagselos nga ang Inday ng GenSan. Paano ba naman kasi, guwapo naman talaga itong si Jason at ayon sa mga nakausap namin, maamo raw talaga ang mukha nito. Very genuine ang kilos at ang pagsagot, at walang bahid ng kahit anong ka-showbiz-an.

Sunud-sunod na nga ang guestings at projects nina Melai at Jason at balita namin ay may nakalinya nang mini-drama series na ala-reality para sa dalawa. Naku ha! Mukhang mae-etsapuwera nang maaga ang iba pang mga housemates! Dapat, medyo umekse-eksena na rin sila para hindi sila mawala sa sirkulasyon! Dapat kasi ganoon sila ka-charming at ka-endearing sa publiko gaya nina Melai at Jason!

PUMIRMA NA NG 2-year 2-picture exclusive movie contract si Erich Gonzales sa Star Cinema. Tuwang-tuwa ang dalaga at hindi raw niya inaasahan ang kontratang ito na dadapo sa kanyang palad. “Noong una kasi mga indie films lang ang ginagawa namin, kaya tuwang-tuwa ako ngayon na mabibigyan na ako ng chance ng Star Cinema na makagawa ng movie with them,” pahayag ng batang aktres. Balita namin ay nakalatag na ang starring movie niya kasama si Enchong Dee. Talagang tinuluy-tuloy na ang kanilang loveteam dahil naging patok naman talaga ito mula nang magbida sila sa Katorse at ngayon, sa Tanging Yaman.

Marami pa akong gustong makatrabaho sa pelikula. Nagka-movie na ako with Papa Piolo, siyempre gusto ko namang makatrabaho sina John Lloyd, si Coco Martin at marami pang iba,” dagdag ni Erich.

Handa na rin siya sa ibang intensity at level ng pag-arte. Naiintindihan ni Erich na iba ang pressure sa pelikula at sa TV. “Sa TV kasi, magbubukas lang ng TV ang mga tao, mapapanood ka na. Sa movies, talagang maglalabas sila ng pera para mapanood ka kaya sobra-sobrang pressure po talaga ito.”

Hindi naman daw niya nakalilimutang magpasalamat sa lahat ng taong tumulong sa kanya lalo na ang kanyang mga supporters na hindi siya binibitawan at pinagkakatiwalaan ang kanyang talento sa pag-arte nang mailunsad siya sa Katorse. Congratulations Erich!

loading...

23 thoughts on “Jason, pinaiyak kaagad si Melai!

  1. Nabasa nyo na ba ang pinakabagong balita ngayon naPsychiatric record ni Noynoy galing sa Ateneo? Hanapin nyo sa internet basta i type nyo lang sa search ang “Noynoy sira ulo” OR “Noynoy psychiatric record” or “Noynoy abnoy” tapos mamili nalang kayo ng websites.

    Noynoy Aquino sira ulo pala. Mabuti nalang nalaman natin agad kundi baka magkaroon tayo ng presidente na may tupak. Napakadami yata ng problema ng presidente paano kaya ito haharapin ni Noynoy baka matuluyan na syang dalhin sa mental hospital

    Sino kaya ang angkan ng mga abnoy (may topak) Aquino o Cojuangco. Namana lahat ni Kris at Noynoy

  2. hahaaayyyy ang daming mga ampalaya dito as in sobrang bitter tanggapin niyo na kasi na sila ang big winner cguro inggit lng iyan mga inggetera..

  3. i love MELASON sooo much…kasi totoong tao sila talagang hindi sila nagsisinungaling sa kanilang mga interviews at jan ko sila mas lalong hinahangaan..

  4. bakit meron pagkakahawig itong mga taga gensan? si melai, aling dionesia, manny. taga gensan din ba si marlene aguilar? hehehe

  5. Career Advice kina Melai at Jason. 1. Alisin ang mga bad mannerism as in physical and vocal. 2. Be calm, focus and stand by at least to be reserved. 3. Enroll in short term course for Personal Development, Voice Lesson, Acting/Drama Lesson 4. Huwag umarte ng parang mga tanga at masyadong over na taga liblib na probinsiya. 5. Alisin na ang PO at OPO sa kausap na ang edad ay below 50. Dapat po mabasa nila ito sa ikabubuti nila at bright future in their surprised limelight scenario. And take a good REST, study Yoga and self discipline.

  6. hahha!

    BITTER NA MGA KANGUSO!

    kawawa naman! vote kayo ng vote sa starstak! para magka- 1/4 manlang kayo sa 4 million votes ng PBB! hahaha

    liitan nyo na din ang venua, siguradong wala namang manunud ! hahaha

  7. Go melai..Im so happy for you.. sa lahat ng nanglalait sa itsura ni melai, makakarma din kayo..

    Mas gusto ko nga maging low profile k nlng kasi magulo ang showbiz daming paninira at intriga..pero dahil sa mga demands ng FANS mo (kasali na ako) gusto namin makita ka on tv, movie and everywhere..

    Good luck and more power.!!!

    Jason sana aalagaan niya si melai, daming nagmamahal sa kanya. Hope d niya iwan si melai sa ere…..

  8. SA LAHAT NG DETRACTORS NI MELAI:
    MAMATAY KAYO SA INGGIT!!!!!

    CGE LAITIN NIYO PA SIYA PHYSICALLY, KAHIT ANONG MASASAKIT NA SALITA PWD NIYONG SABIHIN THIS IS A FREE COUNTRY.. PERO I BELIEVE IN KARMA (HAHAHAHA melai mode) MAKAKARMA DIN KAYO…

    NEGATIVE COMMENTS MIGHT HURT HER (w/c is normal) BUT BASED FROM HER PERSONALITY I KNOW SHE CAN HANDLE ALL THE HATERS AND PINTASERO IN THE WORLD….

    GO GO GO MELAI. YOU DESERVE IT. I KNOW YOULL BE SUCCESSFULL..MINSAN LNG AKO MAG COMMENT AND MINSAN LANG AKO MAGING FAN NG ARTIST PERO D PA RIN NAGKAKAMALI ANG INSTINCT KO.LIKE WHAT HAPPEN TO KIM CHIU….

  9. scripted talaga ang pbb..eew! ang pbb ginawang artsita search..para lang starstruck..hay naku! tsaka hindi ako bumibilib sa isang housemate na napansin its because lumalabtim..hay pinoy nga naman..pagsasawaan din yang MELASON..tumatagal sa showbiz yung mga may hitsura..

  10. ang daming naloko at nauuto nitong pbb na in fairness sa writer swabe ang ginawang script para mapagusapan at gawing winner si melai sympre para may paawa effect konting drama at kaekekan para pabaduy effect resulta maraming kaawang awang fans na uto-uto..pwe..style nyo bulok

  11. scripted at walang credibility ang PBB

    in fairness to fairview hindi kasalanan ni Melason ang nangyari kagagahan at kaululan ng ABS at ni direk Dyogi ang scam sa text votes. Nangyari na ito before noong si Wendy Valdez na pilit ipasok sa BIG 4 eh sobrang hate ng tao ang pasaway na hitad! walang humpay ang ek-planation ng management sa botohan noon pero nasira talaga sila dito…

  12. its sooo true!!! ako rin miss na miss ko na cla owver!!!

    owver na owver na pag ka miss :(( nabubuang na ako sobra!!!

    evry minute yta nag ccheck me sa melason site, fb, twitter, abscbn, pbb multiply and most of all sa utube para lng malaman kung saan cla nag guest. pti mga pinoy news site pnupuntahn ko pra magbsa about them. i miss them soo bad na wla na ko magawa sa bahay kundi manuod ng moments nila sa utube :(

    ultimo pag gcin ko hanggan maka2log at sa panaginip ko cla naiisip ko…inlove na ko sobra sa knila!! dko na alam ggwin ko!!! gus2 ko na umuwi sa pinas pra lng ma meet cla ng personal :D hihihihih

    1st time ko na sobrang pag ka buang sa loveteam. even tho i like Kimerald, JohnLyold-Bea tandem mas ngingibawbaw tlga sila sa puso ko…i dont know y! naLason na me ng owver na owver!!

  13. miss na miss ko na kayo isay at jason..nabubuang na ako dito araw araw lalo pat di pinapakita dito sa tfc north america ang mga guestings nyo sa asap sa wowowee sa snn at kahit sa tv patrol..kainis nga pero nasa the buzz kayo ang im so thankful kasi nakita ko kayu sa big screen di laging sa computer lang…mwahhh..good luck to both of you..stay in love love love

  14. congratz Isay for being the Big Winner and we r so HAPPY when we found out sila na tlga ni Jayson.

    kya lng sana wag n lng cla pumasok sa showbiz kung mkkta lng nmin na mhhrapan c Isay :( kc alam nmin mga fans nya kung gaano sya kaselosa. syempre ndi nman maalis sa mga fans na humalik ky jayson.

    gus2 pa rin nmin cla 4ever.. masakit man isipin pero khit na d nmin cla mkita sa TV as long na nabubuhay cla ng maayos at masaya at walang nanggugulo, ok na rin yon khit di cla pumasok sa showbiz. pero kung sakali man na i22loy nila wag n lng sna cla paepekto at gawin p rin nila un pag supporta sa isat isa k2lad ng gnwa nila sa PBB

    we love u MELASON wil alwayz pray for both of u xxx

Leave a Reply

Your email address will not be published.