Jason Abalos, mas type si Cristine Reyes kaysa kay Maja Salvador – Eddie Littlefield

NAGPAKA-DARING NA NGA si Maja Salvador sa bago niyang teleseryeng  Nagsimula Sa Puso with Jason Abalos and Coco Martin sa direksiyon ni Malu Sevilla.

For the first time, makaka-love scene na ni Jason ang young actress. Siya si Jim, isang lalake na walang ibang minahal kung hindi si Celina (Maja).

Gaano nga ba ka sexy itong soap ninyo ni Maja? “Maraming bed scene, mature ‘yung role, hindi siya basta simpleng kuwento lang, mabigat ang bawat eksena. Hindi ito ‘yung dati na ginagawa namin ni Maja. Sa Eva Fonda seryoso yung role at mature ‘yung role ko, “ bungad ni Jason.

Hindi maiiwasan ikumpara sina Maja at Cristine Reyes na parehong nakatrabaho ni Jason. Para sa young actor, alin ang mas sexy and daring, itong bagong soap ni Maja o Eva Fonda? “Siguro, mas intimate lang, kasi ang Eva Fonda, sexy talaga. Mahirap pantayan ‘yung kaseksihan ni Eva Fonda. Ito kasi, mas may puso siya, may pinaghuhugutan, ganu’n,” sagot ng binata.

[ad#post-ad-box]

Kanino kina Maja Salvador at Cristine Reyes mas nag-enjoy si Jason katrabaho? “Na- enjoy ko ‘yung Eva Fonda kasi sa ibang lugar naparangalan kami, ‘di ba? Kahit hindi tumagal ‘yung ano sa TV,  hanggang ngayon pinag-uusapan kami kahit sa ibang bansa. Mas na-enjoy ko itong sa amin ni Maja kasi walang kapantay, powerhouse cast, matitindi ang bawat eksena, maraming nangyayari, mabilis ang pacing ng istorya.”

May naramdaman bang kakaiba si Jason during the love scene nila ni Maja? “Wala naman, walang pagnanasa. Kinakabahan ako para kay Maja kasi una niya ito. Hindi ko alam kung paano hahawakan ‘yung eksena, kung papaano dadalhin. Hindi naman puwedeng si Maja ‘yung magdala, kailangang sabay kami. Hindi ko sinasabing sa akin, kailangang sabay kami, pinag-usapan namin kung paano gagawin, kung papaano aatakihin ‘yung scene,” paliwanag niya.
Masuwerte si Jason, naka-love scene niya sina Cristine at Maja. Para sa young actor, sino sa dalawa ‘yung malakas ang intensity pagdating sa love scene? “Puwede kong sabihin si Cristine kasi una kaming nakatrabaho sa Eva Fonda.  Hindi ko siya ganoon kakilala, kinakabahan ako, everytime na magka-eksena kami kasi siya ‘yun. Si Maja kaibigan ko dati pa, kay Maja komportable kami na gawin ‘yung mga eksena kasi magkaibigan kami. Sa amin, walang limitation basta alam namin ‘yung isa hindi mapapahiya. Kay Cristine iba, hindi kami gaanong magkakilala, kaya ko nakuha ang Eva Fonda nag-audition ako, iba ‘yun,” masayang pahayag ng magaling na actor.

Sa paningin ni Jason, sino sa kanilang dalawa ang mas sensual? “Si Cristine dahil nga ‘yung pagpapa-sexy niya normal na lang dahil sexy na siyang talaga. ‘Yung kay Maja nahihirapan siya kasi, first time niya, mas intimate lang kasi nga, ‘yung sa kanya nanggagaling sa puso. Iba ‘yung kay Cristine, mahirap ipaliwanag. Si Cristine magaling na artista, si Maja magaling din, si Cristine, nare-recognize pa,” natatawang sabi ni Jason na para bang may lihim pa rin siyang pagtatanggi kay Eva Fonda.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

4 thoughts on “Jason Abalos, mas type si Cristine Reyes kaysa kay Maja Salvador – Eddie Littlefield

  1. i will pray for Jason Abalos a succesful showbiz career.hoping more Abs-Cbn tele-series,more endorsement and movies coming soon.CONGRATULATION to jason for the succesful show in NAGSIMUL SA PUSO and whole cast the best tele-series of jason i’ve ever seen on tv.from jamela of USA.like jason abalos more daring on tv.

Leave a Reply

Your email address will not be published.