Jason Abalos, isinusuka sa sariling bayan?! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! MARAMI ang naloka sa mayabang na TV host na si Willie Revillame dahil kailan lang ay nawindang ang buong mundo sa binitiwan niyang pahayag bago ang laban ng Pambansang Kamao. Sa kanyang salita, ayaw raw niyang pumunta sa laban ng Pambansang Kamao, dahil ayaw raw niyang masapawan ang magaling na boksingero, huh! Nakakalerke, huh!

Gayunpaman, kahit anong sabihin niya, tila ‘boo’ ang inabot niya sa ilang mga kababayan na nanood mismo sa laban ni Manny Pacquiao. Lalo na sa ilang lalawigan sa ating bansa na nakaabang sa kani-kanilang telebisyon, at ‘yung iba ay sa widescreen pa na may bayad.

‘Yan ang nakarating sa akin galing sa aking parazzi girl, dahil nang makitang nandu’n pala sa mismong laban ng Pambansang Kamao ang mayabang na TV host, tila ‘boo’ ang inabot nito sa mismong lalawigan diumano ng Pambansang Kamao. Tila tinandaan ng mga tao ang binitiwan nitong pahayag na ayaw niyang manood sa laban ni Pacman, dahil ayaw raw niyang masapawan, huh!

Pati ako ay naloka roon, ha?! Kahit saan man tingnan, si Manny Pacquiao ay si Manny Pacquiao. Kahit tumambling pa nang tumabling ang mayabang na TV host sa mismong laban ni Pacman, tila hindi ito papansinin. Eh, hindi naman ito kilala ng mga foreigner na nandoon. Kilala lang siya ng mga Pilipino na nagtitiyaga na lang sa kanya, huh!

‘Yan ang nakarating sa akin na ‘boo’ ang inabot ng TV host mula sa mga taong nanood ng laban ni Pacman. Tsk, tsk, tsk!

NAKAUSAP KO MISMO ang kaibigan ng magaling na batang aktor na si Jason Abalos. Kilalang-kilala niya ang aktor, dahil pati ang mga pinsan nito ay kaibigan din ng aktor, at very close nga sila.

Noong isang araw habang kausap ko ang kaibigan ni Jason with my director-friend Neil Tan, ibinungad ng kaibigan niya na ikinahihiya raw ni Jason ang kanilang bayan sa Nueva Ecija. Nakalimutan ko lang ang pangalan ng lugar na binanggit ng bata.

Ang chikka pa, eh, dahil daw sa bundok ang lugar at tila masyadong malayo sa kabihasnan at mahirap ang transportasyon kaya ikinahihiya ng batang aktor, huh! Kaya raw ang ginagamit na lugar nito at ipinakikilala sa mga tao ay ang San Jose, Nueva Ecija samantalang hindi naman daw ito tagaroon.

Kilala niya ang aktor dahil magkaklase raw sila noong nasa elementarya pa lamang sila at nang mag-high school. Hmmm… Kaya ganu’n na lang daw sila nagtataka kung bakit ikinahihiya ni Jason ang kanilang lugar.

Dagdag pang chikka, isinuka na si Jason ng kanilang kababayan dahil sa ginawa niyang iyon. Minsan nga raw na bumisita roon ang aktor, tila hindi raw ito pinansin ng mga tao, at pati na rin ng mga kaibigan nito. Tila iba na raw ang Jason na kilala nila noon kaysa ngayon.

Chikka pa ulit ng kabigan ng aktor, naniniwala sila na ang batang inilabas ng Pinoy Parazzi noon at idinenay ni Jason na anak niya ay totoo ngang anak ni Jason. Sa totoo lang daw sila naniniwala. Noon pa man daw ay umugong na ang balitang may naanakan nga raw ang aktor bago pa lumabas ang litrato ng bata at naipakita sa telebisyon.

Naku, ha?! Naloka ako roon. Hmmm… ano naman kaya ang masasabi ni Jason Abalos dito. Naku, ha?! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

13 thoughts on “Jason Abalos, isinusuka sa sariling bayan?! – Tita Swarding

  1. Puro ka chika swardinas ang lansa mo.! Ang kayamanan po ni willie ay galing sa endorsements nya sa mga products na pinoppromote nya sa wowowee. Kaya nga sya mismo nagpopromote sa wowowee kasi bukod ang bayad sa kanya at sa abscbn. At take note willie is today’s highest paid celebrity. So kaw swardinas na nasa talampakan ang utak gumising ka kc nagmumukha ka ng bangkay :)

  2. Ay mabuti naman swarding at hindi ka nasisilaw sa kayamanan ni Willing Saksakan ng Kayabangan na akala mo naman eh, legal ang yaman, eh hindi naman maexplain kung pano at saan nanggaling, anyway may balik din naman yan, pag-uwi nya ng bahay at wala namang tunay na nagmamahal sa kanya except sa pera nya lang, HUNGKAG pa rin ang buhay nya, in short, malungkot ang NAG-IISA!

  3. di ako fan ni willie, pero sa aking nabasa sa other sites, ayaw sana nyang manonood kasi may show pa xa kinabukasan… pero pinasundo xa ni manny sa katauhan ni lito camo.. kaya hindi na xa naka-hindi… ikaw swarding.. demonyo ka talga..grrrrrr

  4. di ako fan ni willie, pero sa aking nabasa sa other sites, ayaw sana nyang manonood kasi may show pa xa kinabukasan… pero pinasundo xa ni manny sa katauhan ni lito camo.. kaya hindi na xa naka-hindi… ikaw swarding.. demonyo ka talga..grrr

  5. bakla, ganyan lagi sana ang ibalita mo at wag puro blind item.
    at pwede ba eh palitan mo na ung pic mo d2 at ubod ng pangit. pwede ba ha para hndi nakakaasar tignan.

  6. EH, totoo namang SUPER YABANG at HAMBOG ng idol nyo ‘nohhhhhhh!!!!!! Buti nga FLOP ang kawawawee sa Vegas!!!

  7. naku tumigil ka ngang baklang kabayo na halimaw, mas nd ka kilala sa us noh dahil d2 pa lang sa pinas eh mas lalong d ka kilala, ewan ko seo mukhang almuranas ka na talaga, PWE

Leave a Reply

Your email address will not be published.