Jason Abalos and Ahron Villena in heated argument over a girl!

ANG SABI SA amin, muntik magkasapakan. Pero ang paliwanag naman sa amin ng isa sa mga sangkot, nagkapaliwanagan lang.

Ito ‘yung recently lang ay nagpang-abot sina Jason Abalos at Ahron Villena sa Gold’s Gym sa Ro-binson’s Galleria.

Ano naman o sino naman ang kanilang pag-aawayan?

Well, gusto naming putulan ng hair itong aming kapatid sa “Mutya” na si Melinda na kung puwede lang akuin ang haba ng hair niya ay in-insist talaga namin.

Siya si Yen Santos na napapanood din sa Good Vibes.

Ayon kay Yen, “Hindi naman po sila nag-away. Nag-usap lang.”  Gano’n lang katipid kung magpaliwanag itong si Yen.  Aba, naglilihim na sa kanyang kuya, huh!

Ang alam namin, parehong may gusto kay Yen ang dalawang binata at merong sinabi sa amin si Yen, pero wala pang go signal, kaya behaved na muna ang aming byuti.

But definitely, hanggang friends lang sila ni Ahron.

Juice ko, kung babae lang kami, choosy pa ba kami kay Ahron?

SAYANG ANG PAMANGKIN ni Je-richo Rosales. Si John Manalo sana ang bida sa isang youth-oriented show with Miles Ocampo. Ang kaso, natienes.

Baket?

Eh, pa’no naman, last year talaga, super kinis ng kutis ng batang ito. Pero nitong lately nga, nakakalokah, pinupog ng pimples ang mukha.

Kami mismo’y nanghinayang kumba’t nagkaganyan ang mukha ng batang ‘yan. Alam naman na-ming nasa puberty age si John, pero OA naman ‘yung “sumpa” na ‘yon sa mukha niya.

Naalala pa naming sabi ni John, “Si Tito Echo po, ganito rin nu’ng araw, tapos, nawala!”

Ah, so it runs in the blood pala.

IBINILIN NA PALA ni Tito Dolphy ang kanyang paboritong anak na si Vandolph kay Boss Vic del Rosario ng Viva Films. Ito na ngayon ang ma-nager ni Vandolph.

At bilang panimula, kasama si Vandolph sa second solo movie ni Vice Ganda. At tinatrabaho na rin ni Boss Vic ang TV show na sasalihan ni Vandolph.

Nakakatuwang isipin na lahat ay naka-move on na. Kung matatandaan pa, ‘yung isang anak ni Tito Dolphy ay sangkot sa panununog ng bahay ni Boss Vic at ng namayapang si Tita Mina Aragon.

Namatay ang dalawang anak ni Boss Vic, kaya itong anak ni Tito Dolphy ay nakulong for 18 years hanggang sa makalaya nu’ng mabigyan ito ng parole ng noon ay Presidenteng si Erap Estrada.

Kaya sabi ni Boss Vic, “Ang tagal na no’n. Kinalimutan ko na. Ibinilin sa akin ni Tito Dolphy si Vandolph, kaya aalagaan natin!”

SA APRIL 9 at 9pm na ang “Mutcha Sa Zirkoh” show ni Marissa Sanchez, kaya aligagang-aligaga ang lola n’yo sa preparation.

Tumawag nga sa amin ang hitad at nandu’n daw siya kay Mama Bing Cristobal dahil nagpapagawa siya ng buntot ng sirena.

“Kailangan, du’n man lang sa show, maramdaman kong isa akong sirena kahit walang tubig sa stage. Saka papa-impress ako sa guest kong si John Lloyd Cruz!”

Dagdag pa ni Marissa, “Saka alang-alang sa tutulungang ChildHaus Foundation, gagawin ko ang lahat para sa kanila.”

Sa mga wala pang tickets (P1,000 at P600), tawag lang kayo sa 0922-8398877.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

14 thoughts on “Jason Abalos and Ahron Villena in heated argument over a girl!

  1. a nman maganda si yen santos..mas gusto ko pa magkabalikan sina jason abalos at bella padilla (machete)..anyway! ganyan tlga pag loveless! tsk tsk

  2. Hmmm…maniwala naman ako diyan kay Ogie…si Yen nga todo crush kay Jason Abalos eh pano makikipag-away si Jason kay Ahron…manapa baka si Yen at Ahron ang muntik na magkasapakan maniniwala pa ako…

  3. Iba talaga ang maganda. HAHAHA. Di nakapagtataka. Grabeeeh Yen. Hahaha. Ganda2 talaga ng idol ko. Inuulan ng kagandahan actually kaya yan. Pinag aagawan. Hahaha. GO GO YEN . WE ARE ALWAYS HERE FOR YOU!

  4. DAPAT ANG MAGSUNTUKAN AY SINA GERALD ANDERSON AT AARON VILLENA KASI SILA NAMAN ANG NAGKASULUTAN  NG BADING…. BADING NI VILLENA SINULOT NI ANDERSON KAYA NAPUNTA SA KANYA…. TANONG NYO PA KAY EDGAR MANGAHAS…. 

  5. hahahaaba ng hair ni YEN!! :)) hanggang dito sa amin abot! eto at naapakan ko na nga :))
    maganda naman kasi si yen.. mabait at sweet!! kaya hindi na kami magtataka kung maraming nagkakagusto sa kanya :D We love YEN so muchhh!!!

  6. OMG.. maganda kc si yen..kaya daming nagkakagusto sa kanya..naku kung lalake lang ako..nagkagusto na rin siguro ako kay yen..ahaha..natotomboyan na nga ako sa kanya e..ahahha..pero mas gusto ko si yen kay sam.. #SAMYEN

  7. hahaha. natawa ako putrizk, oo nga parehong certified pabooking ang dalawang toh. pero bakit naman mag aaway, nagkasulutan ng sponsor?

Leave a Reply

Your email address will not be published.