Jasmine Curtis-Smith, umaasang makakasama pa rin sa isang project si Sam Concepcion

Sam-Concepcion-Jasmine-Curtis-SmithWALANG REACTION na nairita or nagtampo or nagselos si Jasmine Curtis-Smith nang hingan ng reaction na makakatambal ni Sam Concepcion si Jullian Barretto sa isang project ng ABS-CBN.

Pagdidiin pa ng younger sister ni Anne Curtis, she was very happy na finally after a decade daw ay magkakaroon din ng biggest break ni Sam.

“I think bata pa siya (Sam Concepcion) when started sa showbiz. Better and happy for him finally may project na siya,” say ni Jasmine.

When ask paano na ‘yung gusto sana niyang pagtatambal nila ni Sam Concepcion. Matutuloy pa ba?

“Hindi na puwedeng mangyari kasi magkaiba kami ng network. Pero who knows baka mangyari sa pelikula, ‘di ba?

Samantala, itinanggi ni Jasmine na nagsarili ng siya ng tirahan. Totoo raw na nakabili na siya ng condo sa tulong na rin ng kanyang Ate Anne, pero ‘di pa raw siya nagsasarili ng tirahan.

Hanggang ngayon ay nakapisan pa rin raw siya sa kanyang Ate Anne at minsan naman nasa bahay siya ng kanilang ina.

Pero darating din daw ‘yung titirhan na niya ang bagong condo na binili para makabawas raw ng stress sa kapatid.

Ang hindi masagot ni Jasmine ay kung sasama ba niya sa kanyang condo ang kanilang ina.

“Hindi ko po alam kung sa akin sasama si Mama or kay Ate Anne. Pero kung anuman ang maging desisyon ni Mama ay masaya na rin kaming magkapatid,” pahayag ni Jasmine.

Super thankful naman si Jasmine sa management ng Kapatid Network sa ginawang paghihintay sa kanyang pagdating para muling papirmahin ng panibagong kontrata.

Of course, ‘di nawala na ungkatin ng press kay Jasmine ang kinasangkutan gulo ng kanyang Ate Anne.

Pinandingan naman nito na okey ang kanyang Ate Anne at nasa ibang bansa ito para sa commitment na matagal nang natanguan ng actress.

“Okey lang si Ate Anne. Very positive siya. Suportado namin siya. Alam ko naman na kaya nagagawa ng isang tao ang manakit or magalit kapag may tao na may ginawang hindi maganda sa iyo, ‘di ba?” Pagtatanggol ni Jasmine sa Ate niya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Jasmine Curtis-Smith, umaasang makakasama pa rin sa isang project si Sam Concepcion

Leave a Reply

Your email address will not be published.