Jasmine Curtis-Smith, secret ang pakikipag-usap kina Sam Concepcion at Anne Curtis

Jasmine-Curtis-SmithAYAW MAGBIGAY ng komento ang birthday girl na si Jasmine Curtis-Smith sa isyung kinasasangkutan ng kanyang ateng si Anne Curtis at ng kanyang special someone na si Sam Concepcion.

Tsika nga ni Jasmine sa kanya mismong special na birthday celebration sa kanyang top-rating social media music show sa TV 5 na SPINNation na ginanap sa Ocean Adventure Park sa Maynila, wala siya nang mga panahong lumabas ‘yung issue ng kanyang ate at ni Sam, dahil nasa Batanes siya at nags-shoot ng Dementia kasama ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Mas gusto raw maging masaya ni Jasmine dahil kaarawan niya. Very honest naman niyang inamin na nakausap na niya ang kanyang ate at si Sam para alamin kung ano talaga ang tunay na nangyari. Pero nangako raw itong hindi niya sasabihin kahit kanino.

Sa ngayon daw, happy siya dahil maganda ang ratings ng kanyang show na napapanood tuwing Sabado ng gabi, kung saan binibigyan nila ng pagkakataon ang mga sikat sa social media para ma-expose on TV.

Ilan ngang sikat sa social media at celebrities na naging espesyal na panauhin nito sa kanyang birthday celebration sina Jeric Gonzalez, Basilio at UPGRADE na nagbigay ng awitin para sa magandang TV 5 Prime Artist.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

4 thoughts on “Jasmine Curtis-Smith, secret ang pakikipag-usap kina Sam Concepcion at Anne Curtis

  1. napaka ordinary ng mukha gaya. ng nanay na chimay! ang kapal ng ate mo, hindi ba niya naisip na chimay ang nanay nyo dati? kung makapanghusga akala pinanganak na mayaman!

Leave a Reply

Your email address will not be published.