Jasmine Curtis-Smith, naungkat ang dahilan ng hiwalayan kay Sam Concepcion

Jasmine-Curtis-Smith-Sam-ConcepcionTILA NAUUSO naman ngayon ay break-up ng mga sikat na celebrity. Pagkatapos kasi ng balitang buntis ay ‘eto naman ngayon ang naglalabasang hiwalayan ng dalawang sikat na nilalang.

Naungkat din kasi ang break-up nina Jasmine Curtis-Smith kay Sam Concepcion matapos ang break-up nina Gerald at Maja. Tulad ni Gerald, halos ganoon din ang isinasagot ni Jasmine kapag tinanong kung ano ba talaga ang tunay na dahilan ng kanilang break-up?

Ang laging isinasagot ng younger sister ni Anne Curtis, hindi malinaw kung may kinalaman ba ang isang actor na na-link din sa kanya. Pinalalabas kasi na si Paulo Avelino ang dahilan ng break-up nina Jasmine at Sam. Pero sinabi naman ng utol ni Anne na walang katotohanan ang naglabasan na si Paulo ang nagpapatibok ng kanyang puso.

Sabi pa ni Jasmine, nasagot na raw ni Paulo ang tungkol sa naturang balita at wala na raw siyang gustong idagdag. Isang dinner lang daw at hindi lang silang dalawa dahil kasama nila ang iba pang cast ng movie na ginagawa nila ngayon, ang Mara.

When asked si Jasmine, ngayong pareho na silang single ni Paulo, kung may nararamdaman ba siya na balak pumorma ni Paulo sa kanya or talagang friend lang sila?

“Honestly, I don’t wanna be speaking on behalf of anyone, especially of him. Because we all have our own little worlds and own little troubles and its enough to face that alone. So just for respect for him, I don’t wanna be meddling with what’s going on in his life.”

Ayaw na ring pag-usapan pa ni Jasmine si Sam at nakiusap na huwag nang ungkatin pa ang kanilang nakaraan ng huli dahil nagse-celebrate siya ng kanyang 21 birthday, gusto lang daw niya ay maging masaya at kalimutan ang mga malulungkot na nangyari sa kanyang buhay.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.