Jasmine Curtis Smith, nagagamit sa publicity?

Jasmine-Curtis-SmithAGAW-ATENSYON. AGAW-PANSIN sa media na dahil sa kanyang kagustuhan na makilala nang lubusan si Jasmin Curtis Smith, hayun siya at biglang naging topic ng usapan. Free publicity sa kanya, lalo pa’t ang ina niya na senadora ay tatakbo sa darating na 2016 presidential election.

Wrong timing or ewan ko kung pakana ng grupo ni Sen. Grace Poe-Llamanzares para mapag-usapan (ang hirap ng maintainance ng publicity at media presence ng pulitiko na gustong nasa kamalayan sila ng publiko) ay ang eksena ng anak ni senadora na si Brian Poe Llamanzares na bigla na lang sumulpot sa press launch ng dalaga kamakailan.

Showbiz na showbiz ang eksena, dahil nabigla (kiyeme) si Jasmine nang sumulpot ang binata na may dala-dalang bouquet of flowers sa dahilan na gusto niyang makilala nang maigi ang dalaga as the real Jasmine and not Jasmine na isang showbiz personality.

Kalurkey (pahiram Goms ang salitang patented sa ‘yo)! Sablay na naman si “Totoy” sa dahilan at rason. Gusto mo palang makilala ang the real Jasmin at hindi ang Jasmin bilang artista, bakit sa media launch ka niya umeksena?

“I hope I’d be given an opportunity by her sister (Anne) and her family to get to know her. I wanna know who she is. I don’t want the showbiz side, I wanna know who she really is,” say ng binata sa nag-ambush interview sa kanya.

Hehehe! Eksenang sablay or shall I say eksenang free ride sa publicity dahil ang ina niya ay tatakbo nga sa pagka-presidente sa darating na 2016 election at kailangan ng isyu para mapag-usapan.

Siyempre, sa tulong ng anak para mag-land sa mga entertainment pages si Sen. Grace ‘pag nag-umpisa na ang kampanya ay puwedeng maging topic, kung oks lang ba sa ina na ang anak niya ay maging girlfriend si Jasmine? Another topic na puwede ring maisaulat para naman si Sen. Grace ay nakasabit ay kung okey si Jasmine para sa kanya, what qualities ng dalaga ang nagustuhan niya at kung anik-anik na kaletsehan ang aasahan ng madlang pipol sa nalalapit na panahon at ilang buwan na lang ay simula na ang campaign season.

Pero nang makita ng ilang media kung ano’ng itsura ni Brian, iisa lang ang sambit ng tatlong beki na kasama namin last Sunday night, na si Brian, ang daming paligo para mapantayan si Sam (Concepcion), na dating boyfriend ng dalaga.

Si Jasmine, guwapings ang type. Unless magpapagamit ang dalaga, puwede rin, para may additional kita bukod sa pag-aartista.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleJoey de Leon, may regulasyon daw sa cast ng kalyeserye
Next article“Okay na ang 3 anak, mahal magpaaral”

No posts to display