Jasmine Curtis Smith, malabong masama sa soap ng Kathniel

Jasmine-Curtis-SmithANG HABA ng pila sa ABS-CBN para sa audition sa isang character na gaganap sa soap opera na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Nakita namin ang pictures sa Facebook at talaga namang naloka kami sa dami ng gustong gumanap na Bea Bianca.

Pero merong chikang lumalabas na either si Yassi Pressman at Jasmine Curtis Smith na raw ang gaganap na Bea. True ba ito, ABS-CBN?

Pero mukhang malabo itong si Jasmine dahil nakakontrata ito sa TV5, ‘di ba? Alangan namang ipahiram siya ng Singko para sa soap opera ng Dos, right?

Isa pa, kung ipahihiram man siya, parang demotion ang mangyayari kung siya ang gaganap na Bea Bianca. Nagbida na kasi si Jasmine sa ilang soaps ng Singko tapos magiging support lang siya sa soap opera nina Kathryn and Daniel? Hindi tanga ang mga taga-Singko para gawin nila ‘yan, ‘no!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleArnell Ignacio, usap-usapan ang proposal sa dyowa
Next articleDaniel Padilla, ngarag sa paghahanda sa concert

No posts to display