Jasmine Curtis-Smith, kailangang aprubabo ni Anne Curtis ang magiging BF!

AYAW RAW BIGYANG-KULAY ng dalawang Kapatid stars na sina JC De Vera at Jasmine Curtis-Smith ang sobrang closeness na namamagitan sa kanila, dahil bukod sa di na available si JC, trabaho naman daw ang focus ni Jasmine.

Ang pagiging magkaibigan at magkatrabaho lang daw ang puwedeng mamagitan sa lead stars ng top rating show ng TV5, ang Utol Kong Hoodlum. At matindi raw kasi ang bilin kay Jasmine ng kanyang Ate Anne Curtis tungkol sa boys.

“Kailangang dumaan sila (boys) sa kanya. Kailangang approve siya. Basta’t hindi siya in the way of school or work. Pero ang bilin niya is focus muna sa school at sa work. Kasi parang ‘pag pinagsabay mo ‘yun sa relationship or ganu’n, parang maguguluhan na. Ang dami mo nang inaasikaso.

“Gusto niya rin naman pong ma-experience ko ‘yung ibang na-experience niya sa showbiz nu’ng nagsisimula pa lang siya. So, hindi niya nili-limit ‘yung mga nae-experience ko.

“Pero of course, gusto niya rin naman na hindi ko pagdaanan ‘yung mga sobrang nakakasakit sa puso na pinagdaanan niya. So, maalaga siya pagdating sa ganu’n.” Payo raw ni Anne sa nakakabatang kapatid.

 

55 MODELS MULA sa iba’t ibang bansa ang maglalaban para sa 2011 LOOK OF THE YEAR ngayong buwan. Kabilang ang pambato ng Pilipinas na si Jea-Ann Finuliar, 19 years old, 5’10”, na gaganapin sa Giardini Naxos, Italy.

Ayon kay Ms. Ivana Triolo, Director ng Eventsworld, ang bagong producer ng THE LOOK OF THE YEAR, nag-iba na ang format at presentasyon ng nasabing proyekto. “From a simple beauty contest, it has become a real fashion award with an aim of gi-ving life to a direct connection between those who create fashion, those who promote it and those who wear it by trade.”

If ever daw papalarin ang delegado ng Pilipinas, susundan nito ang yapak ng mga sikat na modelo na sina Cindy Crawford, Vanessa Incontrada, Nina Moric, Ines Sastre, Natasha Stefanenko, Elenoire Casalegno, Gisele Bundchen and Linda Evangelista na lahat ay katas ng Look of The Year.

Sa kasalukuyan, nakatira ang mga kandidata at karamihan sa mga bisita sa magandang hotel ng Hilton Giardini Naxos.  Dito rin ginagawa ang preparasyon at ilang mga pre-pageant activities.

 

MAS KAABANG-ABANG DAW ang magiging saplot ni Aljur Abrenica sa Amaya sa pagpasok nito bilang bagong character sa soap ni Marian Rivera. Dahil mas maikli raw ang pang ibaba nitong kasuotan, bukod sa topless ulit dito si  Aljur Abrenica kumpara sa Machete.

Gagampanan ni Aljur dito ang role na Dayaw, isang Manikiad na sinasabing next in line sa pagiging Bagani, a warrior chief. Isa rin siya sa magiging love interest ni Marian Rivera. Kaya ngayon pa lang daw ay excited na si Aljur na makatrabaho ang Reyna ng GMA-7 at magkaroon ulit ng panibagong primetime soap na isa sa top-rating show ng Kapuso Network.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Jasmine Curtis-Smith, kailangang aprubabo ni Anne Curtis ang magiging BF!

  1. Pingback: Jasmine Curtis-Smith, kailangang aprubabo ni Anne Curtis ang magiging BF! :: Jasmine Curtis-Smith

Leave a Reply

Your email address will not be published.