Jasmine Curtis Smith, hoping pa rin kay Sam Concepcion

Jasmine-CurtisSUPER SEKSING Jasmine Curtis Smith ang humarap sa ilang press nang magpa-interview ito para sa gaganaping grand finals ng Move It: Clash of The Streetdance competition ng TV5, kung saan co-host niya si Tom Taus sa naturang dance competition.

Naungkat ang break-up nila ni Sam Concepcion at buong ningning na sinabi ni Jasmine na hindi niya tinutuldukan ang break-up nila ni Sam Concepcion.

“Hindi naman ako naglalagay ng tuldok sa mga bagay na ganyan. Things change, people change. So, I think we just have to wait and see what God as planned for us and for myself.

“If it’s meant to happen, it will happen. Pero I think it’s better to have an open mind about everything in life, because that’s when you can understand yourself better. You can grow to be more mature, about how you think, about stuff like that,” say pa ng younger sister ni Anne Curtis.

Sa ngayon, naka-focus siya sa kanyang showbiz career at wala munang lovelife para bigyang-pansin ang ibinibigay na pagkakataon sa kanya ng TV5. Bihira raw na mangyari sa isang tao na nabibigyan ng project sa isang telebisyon.

Inamin din ni Jasmine na naging naive siya noong nagsisimula pa lang sa showbiz. Ngayon lang daw niya nagpagtanto na may mga bagay na dapat sa kanya na lang, lalo na pagdating sa pag-ibig.

Hindi naman daw siya nagsisisi sa pagiging prangka. Lumaki sila ng Ate Anne niya na hindi marunong magtago or magsinungaling. Pero dapat daw sa kalagayan nila ng ate niya ay dapat mag-ingat sa bawat sasabihin.

Samantalang maraming natutunan si Jasmine sa TV show nila ni Tom na napapanood every Sunday. Last Sunday nga ginanap ang grand finals ng dance competition.

“This show has really become something that I’ve loved, given my entire dedication. We’ve become really great friends with everyone, cameraman, production staff. So, it’s been such a great experience doing this show. Sana magka-season two,” pagtatapos ni Jasmine na super seksi na.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Jasmine Curtis Smith, hoping pa rin kay Sam Concepcion

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.