Jasmine Curtis-Smith, ‘di raw maikukumpara ang bagong BF sa ex na si Sam Concepcion

Jasmine Curtis-Smith

Jasmine Curtis-Smith

Ramdan ni Jasmine Curtis-Smith na boto ang ate niyang si Anne Curtis sa bagong lalaki sa buhay niya ngayon na si Jeff Ortega na hindi taga-showbiz.

Ayon kay Jasmine Curtis-Smith nang makausap namin sa launching ng mga programa ng D5 Studio, “I guess, ano naman, it was like that din naman before. I guess, may isa lang na hindi ano (‘di masyadong boto). Oo, basta ‘yun, alam n’yo na naman ‘yun!” pahayag ng dalaga.

“Of course, hindi naman madali for a new guy, to be welcome in my family also. He’s still under observation, kumbaga.

“Hindi naman agad-agad, okey na. Just because I’m posting picture with the family, it does not mean off the hook na siya with my sister or my parents. Siyempre, nasa approval stage kung okey ba o hindi,” dagdag pa niya.

As much as possible ay ayaw namang ikumpara ni Jasmine ang nakaraang relasyon niya kay Sam Concepcion sa bagong kabanata ng kanyang love life.

“I don’t want to compare,” deklara agad niya.

“Alam mo, you should never compare something else to what you have now, kasi, iba ‘yan. Iba-iba ‘yan. Meron ngang sayings na the same thing can happen twice but it can never be the same,” rason pa ng bida ng “Forever Sucks” na isang digital show.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

One thought on “Jasmine Curtis-Smith, ‘di raw maikukumpara ang bagong BF sa ex na si Sam Concepcion

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.