Jasmine Curtis-Smith, ‘di pa man sikat, may attitude na?

Jasmine-Curtis-SmithWALA PA naman, may attitude na? Ganu’n kabilis magbago?

Nang makarating sa amin ang balita, hindi ako makapaniwala na itong sweet looking na si Jasmine Curtis-Smith (oks naman siya nu’ng first time ko siyaNG ma-interview for her film Puti) ay tila isinusuka ng ilang production insiders ng kanyang show sa istasyon ni MVP.

Kuwento sa amin, kaya raw hindi makausad ang career ng dalaga sa kabila ng magagandang projects na ibinibigay sa kanya ng kanyang mother station, wala raw loyalty itong si Jasmine sa mga taong nag-aalaga (in their own effort) sa kanya.

Nakailang shows na ba siya sa istasyon ni MVP na halos may ilang projects na rin namang siya ang bida or kung hindi man, support man ang role niya, malalaking artista naman ang sinusuportahan niya?

Sa talent competition show niyang Move It (tama ba ng title?) na magkakaroon na ng grand finals very soon (mas may recall pa sa akin ang Walang Tulugan ni Kuya Germs sa Kapuso Network), minsan na-late siyang dumating at nakapasok na sa studio ang mga audience na manonood.

Pero sa kagustuhan nitong mag-rehearse, hayun, kesehodang andu’n na ang mga audience at naghihintay sa kanya, pinaalis pa raw ng dalaga ang mga ito so she can rehearse.

Heard from someone na taga-loob, may katigasan din daw ang ulo nitong si Jasmin. “I was once part of her show. Kapag ayaw niya ang spiels or ‘yong dialogue na nasa script, ayaw niyang i-deliver. Siyempre, papaano ang continuity at kalalabasan ng istorya, e ‘di masisira naman,” kuwento ng source namin.

Sa FB posting ng kanyang manager na si Betchay Vidanes, Jasmine recently celebrated her 21st birthday.

Siguro naman, ngayon that she turned twenty one years old, hindi na sana siya pasaway, dagdag pa ng isang production insider sa amin.

Kahit under contract pa siya sa istasyon ni MVP, may palutang na lilipat na rin diumano ang dalaga sa Kapamilya Network to join her sister Anne Curtis.

Sa ganang akin, parang off naman yata ito. Habang nasa pangangalaga ka ng isang istasyon, turn-off na may pabalita (na dapat hindi at kinokontra nila ito) ng paglipat sa ibang istasyon habang naka-kontrata pa siya sa Singko.

We hope to hear Jasmin’s side of the story. ‘Yong istorya na pawang katotohanan lang at walang kaeklatan. Isama na rin pati ang dahilan ng split-up nila ni Sam Concepcion at ang tungkol sa kanila ni Daniel Padilla na sabi-sabi ,mukhang “may linaw”.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

3 thoughts on “Jasmine Curtis-Smith, ‘di pa man sikat, may attitude na?

  1. bastusan to the max! panay guesting nya sa kapamilya shows & sagot sa tanong na kung lilipat sya. obvious naman esp after yun tumbong scandal. LOL mukhang magkaka-career sa ABS. sakto after ng contract nya bubuwagin na ang KN. ayos sa padillas yan!

    matagal na may BI sa ugali ni Jasmine hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.