Jasmine Curtis-Smith, ‘di makapaniwala sa natuklasan kay Nora Aunor

Jasmine-Curtis-Smith-Nora-AunorTAPOS NA ang shooting ng indie film na Dementia na pinagbibidahan nina Ms. Nora Aunor at Jasmine Curtis-Smith na first directorial job ni Percy Intalan.

Hinayang na hinayang ang utol ni Anne Curtis na naputol ang bonding nila ng Superstar dahil memorable daw lahat ng mga araw na magkasama sila.

Hindi kasi makapaniwala si Jasmine sa mga natuklasan niyang ugali ni Ms. Nora. Sa stature daw kasi nito bilang Superstar sa showbiz, nananatiling down to earth at lahat ay nilalapitan para kumustahin.

Ayon pa kay Jasmine, hindi maarte sa lahat ng bagay si Ate Guy. Kung ano raw ang pagkain ng lahat, ‘yun din ang kinakain niya dahil ayaw raw nito ng special treatment.

Si Nora raw ang nagsisilbing energy ng lahat kapag pagod na sa shooting. Lagi raw itong nagpapatawa. Kapag may nakikita raw itong malungkot, kaagad na lalapitan at bibiruin na bawal ang malungkot na sinasabayan ng tawa.

Bukod sa husay na pag-arte, pagiging professional at magaang kasama sa trabaho ang ilan sa mga katangian ni Nora na gustong tularan ni Jasmine.

Kung bibigyan daw ng isa pang pagkakataon, gusto ni Jasmine na makasama uli ang Superstar.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.