Jasmine Curtis-Smith, deadma sa pagkaka-link ni Sam Concepcion kay Julia Barretto

Jasmine-Curtis“YOU KNOW what? Honestly, I’m sorry, but it’s not my issue to speak of!” Ito ang naging kasagutan ni Jasmine Curtis-Smith sa pagkaka-link ni Sam Concepcion kay Julia Barretto sa kanya mismong birthday celebration sa kanyang social media music show sa TV 5 na SPINNation na ginanap sa Ocean Adventure Park last Saturday Night.

Dagdag pa ni Jasmine,“I dont know where that came from. I don’t know how her name popped up. So, whatever you guys you want to believe, it’s up to you guys.”

Mas gusto raw pag-usapan ni Jasmine ang magagandang bagay dahil kaarawan naman niya. Masaya nga raw ito dahil maganda ang ratings ng kanyang show na nagiging bukambibig at tinututukang panoorin ng mga kabataan.

Naging espesyal na panauhin ni Jasmine sa kanyang kaarawan at nagbigay ng awitin sina Jeric Gonzales, UPGRADE, Freshmen, Five, at Basilio. Habang nagbigay naman ng mensahe ang kanyang ina at kapatid at ang mga Kapatid stars na si Eula Caballero, member ng Juan Direction, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Jasmine Curtis-Smith, deadma sa pagkaka-link ni Sam Concepcion kay Julia Barretto

Leave a Reply

Your email address will not be published.