Jasmine Curtis-Smith, ayaw makisawsaw sa issue ng kanyang Ate Anne Curtis

Jasmine-Curtis-SmithJASMINE CURTIS-SMITH, the first brand ambassador of Huawei Philippines. Tinanghal na Best Supporting Actress in Cinemalaya 2013 for the film Transit. Kahit gaano ka-busy ang Australian-Filipina actress/ commercial model sa kanyang showbiz career, she sees to it that her education is not compromised.

As a person, Justine is sweet ang passionate on everything that she does. Marami rin siyang followers sa Twitter tulad ng sister niyang si Anne Curtis. “Iba ang followers niya, hindi ko pa abot ‘yun, wala pa ako sa kalahati. She’s the Queen of Social Media talaga,”say niya.

Very supportive pala sa isa’t isa ang mag-utol na Jasmine at Anne sa lahat ng bagay. “Well of course, we’re not the type na laging hoy, ganyan-ganyan…  Silent support kami in terms of social media or when she gets home. Sasabihin niya, how is your day? Nangungumusta, or when we found out a certain things, nalaman na niya. Kasi, we’re very close. My management, we have history na. We have personal relationship… When she found out, magugulat na lang ako, hindi ko alam. Tapos ‘yun, congrats niya ako. Hindi kami OA ‘pag nangungumusta or anything. Congrats,  I’m so happy for you. ‘Yun na, okay na kami and then, may sarili na kaming mundo.”

Kahit may negative issue about Anne, palaging nand’yan si Jasmine to give moral support to her sister Anne. “I’m always there to support her. Well of course, I was comforting her at home. Make sure that she knows that I’m there for her. More action and definitely she appreciated and I know she did. She’s very happy person and she’s happy now.”

Kahit magkaiba ng network sina Jasmine at Anne, may kanya-kanya silang career na pinangangalagaan. “Yes, of course, it’s different naman, you cannot have the same thing naman. Ee have different career path. I’m trying to save my own way and I think, I’m doing it professionally.”

Ano kaya ang masasabi ni Jasmine tungkol sa negative issue about her sister Anne? “I think it’s not my right to speak on the issue. Hindi ako involved, I was not there. Ayaw ko na ring palakihin ang issue, it’s done. She’s done her part. Everyone’s done their part, ayaw ko na.”

Ayon kay Jasmine, parang walang nangyaring issue kay Anne. Inamin naman nito ang kanyang pagkakamali at nag-apologize sa mga taong nagawan niya ng kasalanan. Tuloy pa rin ang controversial star sa kanyang pagtratrabaho. “She’s a very professional person. What happens to her personal life, hindi niya hahayaang maapektuhan ang kanyang trabaho.”

Kahit wala pang formal na pag-amin sa relationship nina Jasmine at Sam Concepcion, obvious namang may namamagitan sa dalawa. Inamin ng actress na tanggap naman ng family niya ang singer/actor.

Sobrang happy si Jasmine sa magandang takbo ng kanyang showbiz career this year. “It was  a wonderful roller coaster ride. I’m very, very proud that I’ve been part of the film Transit. Hindi lang sa bansa natin maipalalabas ang movie namin.  Maging sa Hong Kong, Singapore, Korea, Israel kasama sa festival. I think, my  career is going great. People trusted me with big things, the movie, show and product endorsement. It shows, I’m going up my career. People see me my potential even more. Hindi man ako ganu’n kalaking artista but it’s a big step for me kung saan ako nagsimula,”pahayag ng young actress.

Sinabi ni Jasmine na hindi raw niya iiwanan ang Singko kahit may offer pa ito sa ibang network. “We are talking with TV5, making a film with Ms. Nora Aunor. I’m not sure if it’s independent or mainstream but I’ve been ask by TV5 about it and  mention about her. Go na agad ‘yan, what should I say? Yes, Ms. Nora Aunor ‘yan. Considering her high status also, ‘di ba?”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.