Jasmine Curtis, diring-diring makipaglaplapan kay Luis Manzano!

TINANGKANG KAUSAPIN NG Pinoy Para-zzi si Becky Aguila sa nakaraang hearing nila ng dati niyang personal assistant na si Rowena Pulmano, pero tumanggi itong magbigay ng pahayag. “Not now, Morly. Not now!” ito lang ang pinakawalan niyang linya nang lapitan namin siya.

Binaha naman nang mga luha ang pisngi ni Rowena na mas kilala bilang ‘Weng’ nang aming kausapin. Ayon sa kanya, ngayon lang siya nabigyan nang pagkakataong makapagsalita matapos siyang makulong.

“Hanggang ngayon, pinagdudusahan ko ang isang kasalanang wala naman akong nagawa. Masakit siyempre, dahil alam ko sa aking sarili na ako ay inosente sa mga bintang nila. Isa lang ang naging kasalanan ko, ang minahal ko sina Tita Becky at Jennylyn Mercado nang higit pa sa aking buhay.”

Sa kabuuan, sinabi ni Mel na dalawa na sa mga ikinaso sa kanya ang kanyang nalalampasan. Aniya, “Alam kong makakalaya din ako dahil malinis ang konsensiya ko at hindi ko sila niloloko.”

BAGO TUMULAK SA Australia si Jasmine Curtis, ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis, sinabi nito sa Pinoy Parazzi na sa April 9 na ang kanyang balik.

“Back to school po ako and I’m 5th year high school at ‘yun naman ang ipinangako ko kay Ate, kailangang tapusin ko ang pag aaral ko at bigyan ko sila ng parents ko nang mataas na grades para makabalik ako sa showbiz,” ani Jasmine.

Malungkot nang pumasok sa NAIA si Jasmine, pero ayon sa aktres ay excited siyang makitang muli ang kanyang mga kaklase .

“May gift ako kay Mommy, ibibili ko siya ng bagong car dahil ‘yon ang ipinangako ko sa aking sarili. Lahat ng mga kinita ko from endorsement at sa iba pang raket, inipon kong lahat ‘yon para ipambili ng kotse.”

Samantala, pinagtawanan na lang ni Jasmine ang balitang nakipaglaplapan siya kay Luis Manzano. “Yuck! Kadiri! Brother lang ang tingin ko do’n. Kuya ko lang ‘yon, ‘no! My God!” reaksyon ng young actress.

Tumatawang sabi ni Jasmine, hindi raw niya mati-take na naging ‘soulmate’ ng kanyang ate ang unang makakahalik sa kanyang mga labi.

SA NAKARAANG GIFT-GIVING na i-binigay ni Andi Eigenmann sa mga batang kapitbahay nila, sabi ng aktres, paraan niya ‘yon para pasalamatan ang nasa Itaas sa tuloy-tuloy na blessing na ibinigay sa kanya.

Ayon din kay Andi, totoong isa sa mga masugid na manliligaw niya sa ngayon si Jake Ejercito, isa sa mga guwapong anak ni ex-President Joseph Estrada. “I really don’t know kung sasagutin ko siya, kasi wala po talaga akong time sa love na ‘yan, mas gusto kong work lang nang work.”

Isa rin sa sinasabing nanliligaw kay Andi ay sina Coco Martin at Jericho Rosales. “Yes, nagkasama kami ni Jericho sa Cebu noon, pero hindi naman ibig sabihin ay may relasyon na kami,” pagwawakas ni Andi.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

6 thoughts on “Jasmine Curtis, diring-diring makipaglaplapan kay Luis Manzano!

  1. sus akala nyo naman ang linis linis nyo..hindi porke madaming naging bf malandi na or pokpok..ang pokpok pinagsasabay sabay..hay naku makapanira lang kayo ng tao..walang preno ang mga bibig…

  2. naku,,mana yata kay anne si jasmine na malandi at gustong magbilang ng guys sa life,,grrrrrrrrrrrr.ke bata pa,,lukring na!!

  3. ITO LANG,,dahil mabait ako,,hehe,,i give an advice,,,]

    bata pa kayo,andie at jasmine,,iwasan nyo muna mga ganyang isyu na nakakasira sa iamge lalo na may kalaswaan ito,,,tsk,,kayo din,,wen pipol hate u,,tlagang yari kayo,,matalino ang tao now,,they like stars na maayos at role model….wag muan ,ang lovelife,,so young at focus muna sa work at mag ipon diba,,madaming guys ang darating soon,at gods tym at ryt age,,,asus!mahirap ma involve sa pulitiko,,,nakaka nega ng image,,wag na uy,,,simpleng tao na may dyos o mabuting puso ang dapat,,gudlcuk.

  4. WALANG NANINIWALA JAN,PASHOWBIZ IYAN,,NALOLOKA SI ANNE CURTIS JAN,,ANG BATA PA NI JASMINE,,AT DI NYA TYPE SI LUIS,,YUN LANG,,,HEHEH

    TAMA IYAN ANDIE,,,BATA KAPA,,WAG KANG MAGBILANG NG JOWA,AT WAG KANG PADALA SA SUYO AT KILIG NA IYAN,,NAU PO,,SIRA AT NEGA PA NAMAN FAMILY NI JAKE EJERCITO,,,WAG IYAN,,MAS MADAMING GUYS ANG DARATING,W,AG KANG PAUUTO S ABATANG IYAN,,FOCUS SA WORK AT MAG IPON,,KESA MASIRA KA SA LOVE LIFE LANG,,EWWWWW…

Leave a Reply

Your email address will not be published.