Jasmine Curtis at Jewel Mische, mamumukadkad na ang mga hiyas!

DALAWANG HIYAS – ISANG bulaklak at isang bato – ang ilulunsad ng Dos at Singko sa 2011 bilang pinakabagong leading ladies: sina Jasmine Curtis at Jewel Mische. Sa ginanap na X-mas partry for the press ng TV5 sa Broadway Centrum last December 2, in-announce ni TV5 Creative and Entertainment head Percy Intalan ang mga bagong shows ng Kapatid Network for 2011, kung saan mga revival ng hit movies at local counterpart ng international reality franchise ang aabangan. Isa na nga rito ang paglala-launch sa kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine bilang leading lady ni JC De Vera sa TV remake ng isa sa blockbuster movie ni Action Prince Robin Padilla – Ang Utol Kong Hoodlum. Inakala ng marami noon na sa Dos gagawa ng shows si Jasmine, dahil nga madalas itong nakikita sa Showtime kung saan isa sa mga host ang kanyang Ate Anne. Pero ‘yun nga, sa pakikipag-partner ng Viva na siyang may hawak sa career ni Jasmine (at ni Anne) sa TV5, swak na nga ang dalaga sa role na ginampanan noon ni Vina Morales. On the other hand, natuloy na nga ang paglipat ni Jewel sa Dos from Siyete. May mga bulung-bulungan pa noon na hindi natuloy ang pag-oober da bakod ng ‘girlfriend sa dilim’ ni Richard Gutierrez, dahil may mga commitments (read: mga utang) pa raw ito sa Kapuso Network na kailangan pang i-settle. Pero sa announcement nga ng bagong shows ng Kapamilya na aabangan sa 2011, na ginawa sa Kapamilya Krismas Party Para sa Press, last December 3 sa Dolphy Theater sa ABS-CBN Compound, isa sa pinakamalalaking aabangan ang paglabas ni Jewel bilang bagong leading lady ni Gerald Anderson sa isa ring action-drama series na Bagwis. Maraming dapat abangan sa nasabing mga action series. Mailunsad kaya ng Ang Utol Kong Hoodlum ang career ni Jasmine gaya ng nangyari kay Vina? Lumabas din kaya ang karisma sa likod ng bad boy image kay JC tulad ni Binoe? Si Jewel, tuluyan na nga kayang ‘lumabas sa dilim’ at mag-klik kaya sa fans ang bagong katambal ni Gerald? Kahit paano, napatunayan na ni Gerald at JC ang kani-kaniyang kakayahan sa pag-arte at pareho na silang kinikilala bilang action-drama prince sa kani-kaniyang home studio. Sa kani-kaniyang pareha, kaninong hiyas naman ang bobongga? Mamukadkad kaya ang Jasmine? O, kikinang na ang Jewel? Abangan… SAMANTALAHIN NA RAW ang pagkakataon na pasalamatan namin ang mga nag-imbita sa amin sa mga nakaraang Christmas party for the press: sa PPL Entertainment ni Perry Lansigan through Gorgy Rula; sa TV5 through Lhot and Ms. Peachy; kina Laguna Gov. ER Ejercito, his wife Pagsanjan Mayor Maita Sanchez Ejercito and kids through Jobert Sucaldito; at sa ABS-CBN through Ogie Diaz and Bong Osorio. Maraming salamat po at maligayang Pasko! Danny’s Law says: Huli man daw at magaling… may puso rin ang saging! Danny’s Law by Danilo Jaime Flores

loading...

One thought on “Jasmine Curtis at Jewel Mische, mamumukadkad na ang mga hiyas!

Leave a Reply

Your email address will not be published.