Japanese national, patay sa aksidenteb

RIZAL – HINDI NA umabot nang buhay sa pagamutan ang isang Japanese national matapos na aksidenteng mabangga ng isang owner-type jeep ang sinasakyan nitong motorsiklo, Linggo ng hapon sa bayan ng Pililla.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt Manuel Prieto ang biktima na si Mamoru Iwawaki, 61 anyos, Japanese national at residente ng A. Mabini, Brgy Quisao, ng nasabing bayan.

Arestado naman ang driver/suspek na si Aldrin albos, 37 anyos, may asawa, residente naman ng  Sitio Libis, Brgy. Bombongan, Morong ng nasabing lalawigan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-4:45 ng hapon sa National Road, Sito Dalig, Brgy. Bagumbayan, Pililla, Rizal.

Nabatid na sakay ng kanyang Kawasaki Rowser na may plakang  TS-8144 ang biktima patungo sa area ng Laguna nang makabanggaan ng sasakyan na minamaneho naman ni Albos na isang stainless jeep na may plakang DKT-652.

Sa lakas ng banggaan ay tumilapon ang biktima na naging dahilan ng sobrang pinsala nito sa katawan at namatay habang isinusugod sa Pililla Medicare Hospital. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.