Japanese Actor Jacky Woo, hahataw sa Sunday show ng Siyete

Jacky-WooBALIK-PILIPINAS ANG Japanese actor/producer na si Jacky Woo na muling magiging guest performer sa Sunday All Stars at gayun din sa Bubble Gang. Love na love niya ang Bubble Gang. Minsan babalik lang sa Pilipinas para mag-guest sa Bubble Gang, ang longest running gag show sa Pilipinas.
Noong Nobyembre, nagkaroon ng special screening ang Death March na dinaluhan ng iba’t ibang personalidad sa showbiz dito. Matatandaan na nagkaroon din ito ng screening sa prestiyosong Cannes Fil Festival sa France. Walang regular run pa rito sa Pilipinas ang Death March at sa mga international film festival pa lang siya napapanood.
Habang abala si Jacky sa showbiz commitments, may inaayos itong negosasyon sa isang business venture dito sa Pilipinas. Sana matuloy ito at maraming kababayan natin ang mabibigyan ng trabaho sa negosyong ito.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.