JAPAN TRAGEDY AT SIGALOT SA MIDDLE EAST, SENYALES NG ARMAHEDON?

LENTEN SEASON NA. Panahon ng pagtitika o repleksyon sa mga kasalanan at panahon na rin ba ng kalbaryo?

Kung iuugnay ang patuloy na sigalot sa Libya, 9.0 magnitude na lindol, at tsunami na sanhi ng aberya sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant sa Japan at ang pinakahuli ay kilos-protesta sa Bahrain, panahon na nga ng Cuaresma.

Sa mga nangyaring trahedya, parekoy, hindi lang ang mga nabanggit na bansa ang namumroblema, ma-ging ang International Community at ang Pilipinas dahil nagkalat ang Overseas Filipino Workers (OFW) sa buong mundo.

Dito sa bansa, nakalulungkot na ngayon pa lamang naghahanda ang pamahalaan sa epekto ng naturang krisis dahil sa kabi-kabilang earthquake drill, habang ang DPWH ay ngayon lang nagsosona para tiyaking matibay ang mga istraktura.

Bagaman tama ang ginagawa ngayon ng pamahalaan, hindi rin masisisi na akusahan na over-acting.

Naturalmente, mainam na raw ang nakasisi-guro kaysa sa huli magsisi.

Pero, parekoy, nagtataka lamang ako, bakit ngayon kikilos mag-iisip ang pamahalaan? Para hindi tayo mahalintulad sa sinapit ng Japan, Libya, Egypt, Yemen at Tunisia?

Ang pagkakaalam ko, parekoy, ang bawat ahensiya ay may kanya-kanyang function.

Halimbawa nito ang Department of Foreign Affairs, Department of Labor and Employment at Overseas Workers Welfare  Administration (OWWA), ang titingin sa kapakanan ng mga OFW.

At kung usapin naman sa pangambang “radiation” mula sa Japan, nandiyan ang Department of Science and Technology at Philippine Nuclear Research Institute.

Pero kataka-taka, mga parekoy, na laging back to zero tayo. Hindi ba maaaring kahalintulad na lamang sa program ng cellphone na naka-template ang gagawin? O dili kaya’y sa larangan ng pagsusulat, may tinatawag na “de kahon story” na tipong papalitan na lamang ang 5 W’s and 1 H (Who, What, Where, When, Why and How)?

Sa ngayon kasi, bagama’t  lubhang dumaranas ng “consequences” ang mga OFW, ang mga opisyal ng pamahalaan ay puro kuwento lang.

Mga parekoy,  iparamdam n’yo naman na NAGTATRABAHO kayo! Aksiyon ang kailangan namin hindi kuwento!

NAKATANGGAP AKO NG text mula sa isang kasama sa industriya. Ang sabi: “Parekoy, ano na ang nangyayari sa mundo?”

Pabiro pero malakas ang dating nito sa akin. Anong kinabukasan nga ba ang naghihintay? Armahedon na ba?

Sana naman maging “wake-up call” ang mga kaganapan dahil naniniwala ako na ang dahilan ng mga ito ay para sa ikabubuti ng sangkatauhan.

Maniwala ka, parekoy, “may ginto sa dulo ng bahaghari”.

GOOD NEWS : KUMPIYANSA ang Standard and Poor Credit Rating Firm na bahagya lamang ang epekto sa Pilipinas ng Japan tragedy. Paliwanag ng grupo, ito ay dahil nananatiling matatag ang ekonomiya kahit sangkaterbang OFW mula sa Libya ang bumalik. Whew… sana totoo ito. Hindi pa naman kasi mararamdaman ang epekto nito dahil maaga pa.

INAANYAYAHAN KO PO kayong makinig sa aking programa sa radio na ALARMA KINSE TRENTA, tuwing 6-7 ng umaga, Lunes-Biyernes, sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng talapihitan).Sa programang ito ninyo maririnig ang tunay na walang takot at walang kinikilingang komentaryo sa mga napapanahong isyu. Maaari rin po ninyo akong marinig at mapanood sa internet, 6-7 ng umaga sa www.dzme1530.com

Anumang sumbong, i-text lang sa 09152121303 o kaya’y mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.