Japan, Nag-Sorry Ulit sa ‘Pinas

MULI NA namang ipinaabot ng bansang Japan ang taos-pusong paghingi ng paumanhin at pagsisisi sa kani-lang mga naidulot na trahedya noong World War II.

Ayon kay Japanese Ambassador to the Philippines Toshinao Urabe, patuloy silang nagdarasal para sa mga naulila ng mga namatay noong digmaan.

Sinabi ni Urabe na labis ang kanilang pagbibigay pugay sa mga beterano at hindi nakakalimot sa nakaraan.

Kaya mula noon, ang Japan, Pilipinas at Estados Unidos ay lalo pang naging magkalapit na magkaalyado upang panatilihin ang kapayapaan sa rehiyon at maiwasang maulit ang nasabing digmaan.

Samantala, kaugnay nito, hiniram pa nito ang isang sawikain ng mga Pilipino na “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.”

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.