Janvier Daily, bangungot ang turing kay Ethel Booba

SO FAR, MAGANDA at matino ang takbo ng pagsasama nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Kaya sa ngayon ay ginagawa rin silang ehemplo ng mga showbiz pair na nangangarap na humantong din sa pagpapakasal. Ang parehang Ogie Alcasid at Regine Velasquez ay very open sa paghangang ito sa dalawa, kaya nga ito rin ang dahilan kung bakit madali silang naging close.

“Hindi naman ako nagbibigay ng advice sa kanila dahil hindi naman sila humihingi. At mukhang mas marami pa silang nalalaman sa na-experience na nila. Hindi nila kailangang humingi ng advice sa akin,” sabi pa ni Juday nang tanungin siya kung ano ang maibibigay niyang advice doon sa dalawa.

Kapag kasi nababanggit ang parehang Ogie-Regine, lumilitaw na napakapersonal na ng usaping legalidad. Sa ngayon kasi, anuman ang sabihin nila, baka magkaroon ng implikasyon sa annulment ng kasal nina Ogie at Michelle Van Eimeren dito sa Pilipinas.

Kahit na sabihing hiwalay na nang matagal sina Ogie at Michelle, at mayroon nang bagong pakakasalan si Michelle sa katauhan ng isang Australian ding gaya niya, si Mark Murrow, sa batas dito sa Pilipinas ay hindi madali ‘yun. Kaya hanggang ngayon ay nananatiling tahimik sina Ogie at Regine sa kung anu-ano ang binabalak nila, na mahirap maisakatuparan hangga’t hindi pa napaplantsa ang sitwasyon nina Ogie at Michelle sa Pilipinas.

Wala namang ganitong conflict na dinanas, and hopefully, wala ring daranasing ganito sina Juday at Ryan sa kanilang pagsasama, kaya mahirap na magbitaw siya ng opinyon sa situwasyon nina Ogie at Regine. Masyado lang napapag-usapan ito at ang possible parallelisms sa kanila, dahil magkatambal sina Ogie at Juday sa Oh, My Girl! ng Regal Entertainment.

“Hahangaan pa rin sina Ogie at Regine dahil sa kabila ng lahat at pambabatikos sa kanila, they stick together, hold on to each other. Palagay ko, ‘yun naman ang importante, at kahit ano pa ang dumating na problema sa kanila, kaya nilang lagpasan ‘yun, kung magkatuwang talaga sila,” sabi pa ni Juday.

PARA KAY JANVIER Daily, isa sa leading men ng indie film na Bayaw, tinatrato niyang bangungot ang namagitan sa kanila ng komedyanang si Ethel Booba. Mula sa masalimuot na chapter na ‘yun na ayaw namang ipaliwanag ni Janvier kung bakit gusto na niyang kalimutan, medyo nanahimik ang baguhang aktor.

Ayaw rin nitong paawat sa mga kabaklaang eksena. Sa Bayaw, wala silang patumanggang naghubaran, nagsabunan at naglaplapan ni Paolo Rivero. Nag-enjoy pa rin ang maraming baklitang dumagsa sa Cultural Center of the Philippines (CCP) para panoorin ito.

Kung mayroon lang daw commitment at saka siya lumuluwas ng Maynila. Sa Baguio kasi nakatira si Janvier. Nananatiling normal ang buhay niya roon sa kabila ng mga nasangkutang eskandalo.

Kahit nga ang pagbuyangyang ng kanotahan niya sa internet at pag-amin na siya nga ‘yun, hindi naman nakaapekto negatively sa kanya.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

5 thoughts on “Janvier Daily, bangungot ang turing kay Ethel Booba

  1. HAHAHAHAHAHAHAHA! ETHEL BOOBA IS BANGUNGOT TALAGA! Walang papatol diyan no she is super ugly, gamitan lang yan kasi desperada! Lahat ng pumatol diyan obvious pinerahan lang!

  2. ay nako ok, hindi naman naelaborate ang bangungot isssue with Ethel kundi sa paghuhubad at pagpapakita ng nota nitong lalaking ito. hindi na ako magtataka dahil mukhang bakla naman ang may akda.

Leave a Reply

Your email address will not be published.